AJ Raval, pinadalhan ng mensahe si Barbie Imperial dahil sa negatibong sinabi nito tungkol sa kanya

by Jojo Gabinete
Jan 13, 2022
aj raval pep live
AJ Raval on dealing with negative comments: "Sobrang saya ko ngayon. Parang hindi na rin siya pumapasok sa isip ko. Kapag may nababasa akong hindi magagandang komento, sinasakyan ko na lang yung comment nila."
PHOTO/S: PEP Live

Sina AJ Raval at Sean de Guzman ang mga special guest sa live broadcast ng PEP Live ngayong Huwebes ng gabi, January 13, 2022.

Nag-promote sila ng Hugas, ang sexy/drama/action movie na pinagbibidahan nila at mapapanood sa Vivamax simula bukas, January 14.

Pinatunayan ni AJ na isa pa rin siya sa mga baguhang aktres na matapat dahil hindi ito natatakot sabihin ang katotohanan.

Bukod sa pagkukuwento tungkol mga eksenang sumubok sa husay nila ni Sean sa pag-arte at sa paggawa ng action scenes, sinagot ni AJ ang lahat ng mga tanong na may kinalaman sa mga isyu at kontrobersiyang pinagdaanan niya noong 2021.

“Sobrang saya ko ngayon. Parang hindi na rin siya pumapasok sa isip ko.

"Kapag may nababasa akong hindi magagandang komento, sinasakyan ko na lang yung comment nila.

"Parang may nag-comment ng bad comment, magre-reply na lang ako ng 'tamaaa!!!'" Ganoon na lang ang nire-reply ko,” sabi ni AJ na sinundan nito ng tawa.

Continue reading below ↓

ISSUE WITH BARBIE IMPERIAL

Nang mabanggit ni PEP Live host Jimpy Anarcon ang isyu noon tungkol sa kanila ni Barbie Imperial, nagsalita si AJ tungkol dito.

Lahad niya, “Nabasa ko yung mga article, tapos parang nagsalita siya nang hindi maganda. So, nag-message ako sa kanya.

"Sabi ko, naiintindihan ko siya ba’t nagsalita nang ganoon. Nadala lang siya sa mga tao.

"Sabi ko, huwag na siyang magpaapekto, tapos naging okay na kami."

BREAST IMPLANTS

Noong December 9, 2021, naikuwento ni AJ sa virtual media conference ng Crush Kong Curly ang balak na pagpapatanggal sa breast implants niya.

Sa PEP Live interview ngayong gabi, inulit ng sexy actress ang kanyang pahayag.

Saad niya, “Yes, pero hindi naman sure ang sinabi ko. Ang sabi ko, planning…

“Kasama siya sa plans ko so hindi ko pa alam kung anong month pero siguro [bago] matapos yung 2022, kahit month of December.”

Malakas at matapang ang loob ni AJ sa pagharap sa lahat ng mga kontrobersiya, isang ugaling hindi raw taglay ni Sean.

Continue reading below ↓

“Ayokong magkaroon nang ganyan,” reaksiyon ni Sean tungkol sa mga isyung kinasangkutan ni AJ.

“Nakaka-stress. Mabilis kasi akong maapektuhan. Masyadong sensitive ang puso ko sa mga ganyan. Mabilis akong masaktan.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval on dealing with negative comments: "Sobrang saya ko ngayon. Parang hindi na rin siya pumapasok sa isip ko. Kapag may nababasa akong hindi magagandang komento, sinasakyan ko na lang yung comment nila."
PHOTO/S: PEP Live
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results