Viva Films, nakatakdang gumawa ng 52 movies at series ngayong 2022

by Jojo Gabinete
Jan 13, 2022
vivamax 2022 lineup
Kabilang sa mga pelikula at series na ipalalabas sa Vivamax ngayong 2022 ay ang mga sumusunod: (clockwise) Reroute, starring Sid Lucero and John Arcilla; Lulu, starring Rita Martinez and Rhen Escano; Kinsenas Katapusan, starring Ayanna Misola and Joko Diaz; at Deception, starring Claudine Barretto and Mark Anthony Fernandez.
PHOTO/S: Viva Films

Umabot na sa mahigit dalawang milyon ang subscribers ng Vivamax mula nang ilunsad ang streaming site na ito noong January 29, 2021, ayon sa Viva Entertainment.

Ipinagmalaki ng mga executive ng Vivamax na ito na ngayon ang nangungunang Pinoy platform at nakagawa sila ng 35 original films noong nakaraang taon.

Hindi lamang ang Viva Films movies ang mapapanood at napapanood sa Vivamax dahil nasa koleksiyon din ng kanilang library ang mga pelikula ng Star Cinema, Regal Entertainment Inc., 1017P, Reality MM Studios, IdeaFirst Compnay, at Center Stage Productions.

Para sa 2022, 52 ang bilang ng original films at series na gagawin ng Viva Films.

As of December 2021, labinlimang (15) pelikula ang hinihintay na maipalabas sa Vivamax sa unang quarter ng 2022, mahigit sa apatnapu (40) ang mga proyektong nakatakdang umpisahan, at walo (8) ang planong ipalabas sa mga sinehan bilang suporta ng Viva Films sa pagbabalik ng classic viewing experience.

Continue reading below ↓

Sa kabila ng coronavirus pandemic, tinupad ng Viva ang pangakong maglalaan sila ng isang bilyong pisong production budget para hindi mawalan ng trabaho ang mga manggagawa sa local movie industry at para magpatuloy ang paglilingkod nila sa Filipino audience.

Ang mga sumusunod ang ilan sa mga pelikulang mapapanood sa Vivamax ngayong 2022:

1. Reroute — Cindy Miranda, John Arcilla, Nathalie Hart, at Sid Lucero

2. Lulu Rhen Escaño at Rita Martinez

3. Deception — Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez

4. Silip Sa Apoy Angeli Khang, Sid Lucero, Jela Cuenca, at Paolo Gumabao

5. Kinsenas, Katapusan Ayanna Misola at Joko Diaz

6. The Wife Louise de los Reyes, Diego Loyzaga, at Cara Gonzales

7. Boy Bastos Wilbert Ross at Rose Van Ginkel

8. Island of Desire Cara Gonzales at Sab Aggabao

9. The Last Five Years Meg Imperial at Tom Rodriguez

10. Sisid — Kylie Verzosa, Paolo Gumabao, at Vince Rillon

Continue reading below ↓

11. Tatak Thyro — Yumi Lacsamana at Sam Concepcion

12. Bahay Na Pula Julia Barretto, Marco Gumabao, at Xian Lim

13. Eskandalo — Cindy Miranda, Angeli Khang, Jay Manalo, at Joko Diaz

14. Scorpio Nights 3 AJ Raval

15. Kunwari Mahal Kita — Ryza Cenon, Joseph Marco, at Nathalie Hart

16. Kitty — Ayanna Misola, Marco Gomez, Luis Hontiveros, at Axel Torres

17. Greed — Nadine Lustre at Diego Loyzaga

18. The Certifieds Julia Barretto, Ella Cruz, Andrea Babierra, at Awra Briguela

19. Under The Velvet Skies Kylie Verzosa at Zanjoe Marudo.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang sa mga pelikula at series na ipalalabas sa Vivamax ngayong 2022 ay ang mga sumusunod: (clockwise) Reroute, starring Sid Lucero and John Arcilla; Lulu, starring Rita Martinez and Rhen Escano; Kinsenas Katapusan, starring Ayanna Misola and Joko Diaz; at Deception, starring Claudine Barretto and Mark Anthony Fernandez.
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results