Paolo Gumabao, gustong makatrabaho sa pelikula ang kapatid na si Marco Gumabao

by Jojo Gabinete
Jan 14, 2022
paolo marco gumabo brothers
Paolo Gumabao wishes to work with half-brother Marco Gumabao now that they are both doing movies for Viva Films. Kylie Verzosa, on the other hand, works with Paolo for the first time in Sisid after doing several projects with his brother Marco.
PHOTO/S: Facebook / Viva Films

Ang Sisid ang unang pelikula ni Paolo Gumabao sa Viva Films, samantalang contract star ng Viva Artists Agency ang kanyang half-brother na si Marco Gumabao.

Umaasa si Paolo na darating ang araw na mabibigyan sila ng oportunidad na magkasama sa isang proyekto.

“Sobrang excited ako na makatrabaho si Marco,” sabi ni Paolo sa virtual media conference ng Sisid na naganap ngayong Biyernes nang hapon, January 14, 2022.

“Actually, a few weeks ago, I think a month ago, nag-usap kaming dalawa. Dumalaw ako sa bahay nila, nag-usap kami.

“Sabi ko sa kanya, 'Bro, sana magkaroon tayo ng movie soon sa Viva together.

“Sabi niya, ‘Oo, only time will tell, sana.’

“Sana magkaroon kami ng film together. It will be something na… that will be an experience na gusto kong mangyari,” pahayag ni Paolo, na mas bata ng apat na taon kay Marco.

Sina Paolo at Marco ay mga anak ng aktor na si Dennis Roldan, na kasalukuyang nakakulong sa National Bilibid Prison dahil sa kasong kidnapping, pero magkaiba ang kanilang mga ina.

Continue reading below ↓

Ang Lockdown na ipinalabas noong 2021 sa streaming platform na Upstream.ph ang launching movie ni Paolo, na nagpakitang-gilas sa pag-arte at sa paghuhubad dahil importante sa kuwento ng pelikula.

Hindi diretsahang sinagot ni Paolo ang tanong tungkol sa mga maseselang eksenang ginawa niya sa Sisid dahil mas makabubuti raw panoorin ng mga tao ang pelikulang pinagbibidahan nila nina Kylie Verzosa, Christine Bermas at Vince Rillon.

“In Lockdown, I went all out, full frontal. Dito naman sa Sisid, panoorin na lang nating lahat. We’ll see, surprise na lang,” pamisteryosong imbitasyon ni Paolo.

KYLIE ON MARCO AND PAOLO

Samantala, maraming beses nang nakatrabaho ni Kylie Verzosa si Marco kaya ang pagkakapareho at pagkakaiba ng ugali nito kay Paolo ang itinanong sa kanya sa mediacon ng Sisid.

Sabi ng Miss International 2016, “Parang napansin ko na medyo similar sila in some ways. Pareho sila ng personality, pareho silang makulit, pareho silang madaldal. Ganyan silang dalawa.

Continue reading below ↓

“Parang pinapagaan nila yung set. Maganda yung energy nilang dalawa.

"Parang sila yung type of actors na you wanna be on set because it won’t be a boring set. Fun lang sila na kasama. At the same time, pareho silang mahusay na aktor.

“Yung difference, mas younger si Paolo. Pareho silang magaling. But si Paolo, may konting command.

“Yung, ‘Puwede ba akong humingi nang ganito? Can you give me time to prepare?’

“But it was really fun working with the both of them,” sagot ni Kylie, na mahahalatang naging maingat sa pagkukumpara sa mga karakter ng Gumabao brothers.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Gumabao wishes to work with half-brother Marco Gumabao now that they are both doing movies for Viva Films. Kylie Verzosa, on the other hand, works with Paolo for the first time in Sisid after doing several projects with his brother Marco.
PHOTO/S: Facebook / Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results