Kilalanin ang walong Kapuso na napabilang sa "sparkling artists" ng Sparkle

by Jojo Gabinete
Jan 14, 2022
sparkle 8
Sparkle's Sparkle 8: Ysabel Ortega, Khalil Ramos, Derrick Monasterio, Gabbi Garcia, Bianca Umali, Sanya Lopez, Ruru Madrid, and Miguel Tanfelix.
PHOTO/S: Sparkle

Sina Sanya Lopez, Ruru Madrid, Derrick Monasterio, Ysabel Ortega, Gabbi Garcia, Bianca Umali, Khalil Ramos, at Miguel Tanfelix ang Sparkle 8—ang banner stars o “sparkling artists” ng Sparkle.

Ang Sparkle ang bagong pangalan ng GMA Artist Center, ang talent management arm ng GMA Network Inc.

Nagpasalamat ang walo, na ipinakilala ngayong Biyernes ng hapon, January 14, 2022, dahil kabilang sila sa mga napili para maging kinatawan ng Sparkle 8.

Pero walang dapat ipagtampo ang ibang mga talent ng Sparkle bilang binibigyan din sila ng importansiya.

Paglilinaw ni Sanya: “Gusto ko lang linawin na yung Sparkle, e, hindi lang po tungkol sa aming walo.

"Yung Sparkle, para po sa akin, ay katulad din naming maraming nangangarap, mga talent na nangangarap pong mag-sparkle din.

“Itong Sparkle po, very thankful talaga kami na napili kaming walo para i-represent, at ang maipapangako po lang namin ay hindi namin sisirain ang tiwala.”

Nangako naman si Ruru na higit pagtutuunan ng pansin ang kanyang showbiz career dahil sa mga aral na natutunan niya noong nakaraang taon.

Continue reading below ↓

“Because of what happened sa Lolong, nagkaroon kami ng delays. Last year was not a good year for me, to be honest, dahil nga I’m so ready for that project.

"Nag-train talaga ako nang sobra. Umabot sa point na kahit puyat ako, nag-workout ako,” rebelasyon ni Ruru tungkol sa naramdaman niya nang ihinto noong August 2021 ang taping ng pinagbibidahang action-drama series ng GMA-7 dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.

Patuloy ni Ruru: “But you know, kahit na dumaan ako sa ganoong klase ng challenges, I realized na ayokong ma-stuck sa ganoong posisyon.

“I decided na mag-focus sa iba pang mga bagay, improve myself din, hindi lang sa pagiging artista kundi sa pagiging tao.

“So, nag-venture ako into business. At the same time, I just launched my [YouTube] channel din, and we’re going to launch a new series din sa YouTube channel ko. It’s called What Are You Made Of?

Continue reading below ↓

“Dati, pangarap kong maging artista, pero ngayong naging artista na ako, ano pa yung pangarap ko at nakita ko yun ngayon.

"Ang goal ko right now is to inspire people sa lahat ng mga bagay na gagawin ko."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sparkle's Sparkle 8: Ysabel Ortega, Khalil Ramos, Derrick Monasterio, Gabbi Garcia, Bianca Umali, Sanya Lopez, Ruru Madrid, and Miguel Tanfelix.
PHOTO/S: Sparkle
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results