Mark Anthony Fernandez, madalas iniisip kung sila ang nagkatuluyan ni Claudine Barretto

by Jojo Gabinete
Jan 14, 2022
claudine mark anthony romance
Mark Anthony Fernandez on ex-girlfriend Claudine Barretto: “Iniisip ko rin paano kung nagkatuluyan kami, ano kaya ang hitsura ng anak namin? Pakiramdam ko nga po, napaglihian ko si Boss Claudine nang isang beses. Parang parehas ng anak ko yung buhok niya. Siguro dun ako naglihi.”
PHOTO/S: Facebook

Paano kung nagkatuluyan sila ni Claudine Barretto?

Ito raw ang madalas na pumapasok sa isip ni Mark Anthony Fernandez habang ginagawa nila ng ex-girlfriend ang Deception, ang reunion movie nila makalipas ang dalawampu’t pitong (27) taong hindi pagsasama sa mga proyekto.

Ang love story nina Claudine at Mark noong mga teenager pa sila ang isa sa pinaka-intense dahil sa mga kontrobersiyang pinagdaanan nila kaya hindi nakagugulat na humantong din sa paghihiwalay ang kanilang pagsasama.

Saad ni Mark, “Lagi kong iniisip yun. Ang sinasabi ko sarili ko, ang importante close kami ngayon ni Claudine.

“Hindi man kami nagmamahalan bilang lovers, bilang magkaibigan. Bilang ako ay intense [na tao], natutuwa pa rin ako na kinakausap siya.

“Iniisip ko rin paano kung nagkatuluyan kami, ano kaya ang hitsura ng anak namin?

“Pakiramdam ko nga po, napaglihian ko si Boss Claudine nang isang beses. Parang parehas ng anak ko yung buhok niya. Siguro dun ako naglihi.”

Continue reading below ↓

Pinatotohanan naman ni Claudine ang mga sinabi ni Mark.

Pahayag ng aktres, “Napag-usapan namin ‘yan actually, 'Paano kung nagkatuluyan tayo? Ilang taon na yung anak natin?' Kino-compute pa namin.”

“Pero para sa akin, hindi pa huli ang lahat,” mabilis at mahahalatang umaasa pang sagot ni Mark tungkol sa pahayag ng kanyang ex-girlfriend.

“Kasi bata pa naman si Boss Clau, depende sa sitwasyon kung biglang may access akong manligaw sa kanya, bakit hindi?”

Inamin ni Mark na kinikilig pa rin siya kay Claudine at pagsisisihan niya nang husto kung hindi natuloy ang pagtatambal nila sa Deception.

Pareho nang hiwalay sa asawa sina Mark at Claudine.

Gaya ni Claudine na nakaranas ng mga panlilinlang, naging biktima rin daw si Mark ng deception pero hindi na siya nagdetalye pa tungkol sa taong nanloko noon sa kanya.

Aniya, “May pinagdaanan din ako na ganoon. Madapa [ako ng] isang beses, okay lang. Madapa ng pangalawang beses, puwede pang patawarin.

Continue reading below ↓

"Pero kapag pangatlong beses na akong nadapa, katangahan na yun.

“Kailangan i-apply ko na yung learnings ko. Huwag ko nang hayaan mangyari sa akin yung ganoong deception.

"Higit sa lahat, dapat si God ang sentro ng buhay natin para ma-guide tayo."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Anthony Fernandez on ex-girlfriend Claudine Barretto: “Iniisip ko rin paano kung nagkatuluyan kami, ano kaya ang hitsura ng anak namin? Pakiramdam ko nga po, napaglihian ko si Boss Claudine nang isang beses. Parang parehas ng anak ko yung buhok niya. Siguro dun ako naglihi.”
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results