John Arcilla, mala-Vic Silayan ang acting sa bagong thriller movie

by Jojo Gabinete
Jan 17, 2022
John Arcilla, Vic Silayan
Flattered si John Arcilla (left and right inset in cap) na maihambing ang galing sa acting sa yumaong aktor na si Vic Silayan (in felt hat). Si Vic ay bida ng 1981 psycho thriller film na Kisapmata, habang si John ay bibida sa thriller movie na Reroute ngayong 2021.
PHOTO/S: John Arcilla TikTok / CTTO

Bida si John Arcilla sa Reroute, ang suspense-drama-thriller movie na mapapanood sa Vivamax simula sa January 21.

Ang intense performance ni John sa trailer ng Reroute ang nagpaalaala sa amin sa mahusay na pagganap ng pumanaw na aktor na si Vic Silayan (January 31, 1929-August 30, 1987) sa Kisapmata, ang 1981 award-winning at critically-acclaimed movie ng direktor na si Mike de Leon.

Nanalong best actor si Vic sa 7th Metro Manila Film Festival para sa karakter niya sa Kisapmata. Humakot iyon ng mga parangal tulad ng best film, best director, best story, best screenplay, best supporting actor (Jay Ilagan), at best supporting actress (Charito Solis).

"Wow wow wow wow!" ang reaksiyon ni John nang marinig nito ang paghahambing sa kanya kay Vic.

Si Charo Santos ang isa sa mga bida sa Kisapmata, at ito mismo ang nagsabing bagay kay John ang karakter ni Vic.

Sabi pa ni John, "I even spoke with Miss Charo Santos. Mismong siya, sinabi rin niya mismo sa akin, 'Why don’t you try the idea of doing the remake of Kisapmata?'"

Continue reading below ↓

Malaking karangalan daw iyon para kay John.

"Why not? These are great actors of the Philippines. These are icons of the Philippine industry na mga nauna pa sa akin.

"Talagang i-compare ka lang sa mga yun, yung work mo, e, ihambing sa kanila, it’s an honor. It’s really an honor. Thank you so much," masayang saad ni John.

Bukas si John sa posibilidad na gampanan ang role ni Silayan kung sakaling may movie producer na magkakaroon ng interes na i-produce ang remake ng Kisapmata.

kisapmata movie

Continue reading below ↓

A scene from Kisapmata

WARY ABOUT SURGE OF OMICRON CASES

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na matindi ang pag-iingat ni John Arcilla laban sa coronavirus dahil sa mga miyembro ng kanyang pamilya at mga kakilalang binawian ng buhay noong nakaraang taon.

Sinabi ni John na hindi siya tumatanggi sa mga proyekto na dumarating.

Pero ayon sa kanya, ang mga producer ang nagiging maingat sa paggawa ng mga pelikula dahil sa kasalukuyang sitwasyon na hatid ng Omicron variant ng coronavirus.

"Wala pa naman akong tinanggihan na project, pero mismong ang producers kasi, they can’t really somehow makapag-all out to do films left and right tulad ng dati.

"Especially now, masyadong mabilis yung Omicron sa pag-contaminate sa atin. Ang dami-daming cases.

"Right now, kung merong mag-iimbita sa akin ng movies, parang ang hirap tanggapin,” ani John.

STRICT PROTOCOLS IN ANG PROBINSYANO TAPINGS

Ibinigay niyang halimbawa ang nangyari sa lock-in taping ng FPJ's Ang Probinsyano.

Continue reading below ↓

Lahad niya: "Isipin mo na lang yung sa Probinsyano, ang hirap pumasok ngayon sa bubble. Ang hirap, ang daming nagpa-positive, ang daming restrictions, at ang daming protocols na kailangan na importante at hindi ko tatanggihan.

"I-embrace ko yung protocols, i-embrace ko yung restrictions, kasi for me, matatapos din naman lahat nang ito.

"Pagbigyan na lang muna natin. In a year or two, sige na lang muna. Kung ano muna yung kaya nating gawin. Pagbigyan muna natin."

Mabuti na raw ang nag-iingat.

"But right now, our health is our priority. Kung magkakasakit din tayo, mauubos din lahat yung savings natin, hindi rin, e,

"Para sa akin, yung health muna ang priority, yung welfare ng lahat ng buong industriya, ng pamilya natin."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Flattered si John Arcilla (left and right inset in cap) na maihambing ang galing sa acting sa yumaong aktor na si Vic Silayan (in felt hat). Si Vic ay bida ng 1981 psycho thriller film na Kisapmata, habang si John ay bibida sa thriller movie na Reroute ngayong 2021.
PHOTO/S: John Arcilla TikTok / CTTO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results