Mark Anthony Fernandez, Rolex o Japanese car ang birthday wish

by Jojo Gabinete
Jan 18, 2022
mark anthony fernandez birthday
Mark Anthony Fernandez on his "realistic" birthday wish: “I want to make five or seven movies for this year. Ipagpapatuloy ko rin to always have God in the center of my life at, siyempre, good projects.”
PHOTO/S: Facebook

Expectations versus Reality.

Ngayong araw, January 18, 2022, ang kaarawan ni Mark Anthony Fernandez.

Kung mabibigyan siya ng choice, Rolex watch o isang Japanese car ang mga gusto niyang matanggap na birthday gift.

Tanggap ni Mark na imposibleng matupad ang mga materyal na bagay na nais niya para sa kanyang kaarawan dahil sa sitwasyon ng buong mundo kaya nagpakatotoo siya.

“I want to make five or seven movies for this year. Ipagpapatuloy ko rin to always have God in the center of my life at, siyempre, good projects,” sagot ni Mark nang itanong ng Cabinet Files ang mga plano niya sa bagong kabanata ng kanyang buhay.

At dahil pa rin sa pandemya, sinabi ni Mark na magkakaroon siya ngayon ng safe birthday celebration.

Pagkagising ngayong Martes ng umaga, inuna muna niya ang pagsisimba at paikot-ikot na pagmamaneho ng sasakyan sa lugar na tinitirhan sa Pampanga na isa sa kanyang mga stress buster.

Continue reading below ↓

Inaasahan ni Mark na tatangkilikin ng publiko ang Deception, ang reunion project nila ni Claudine Barretto na magiging post-birthday celebration niya dahil sa January 28 ang streaming date sa Vivamax ng pelikula na mula sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Sinubukang isali ang Deception sa 47th Metro Manila Film Festival noong December 2021, pero hindi ito pinalad mapili bilang official entry.

Pero para kay Direk Joel, pabor sa kanila ang nangyari.

Pahayag niya, “Kung hindi nakasama sa MMFF ang Deception, siguro blessing in disguise dahil hindi naging maganda ang resulta ng mga ipinalabas na pelikula sa MMFF.

“Parang hindi pa ready ang mga taong pumasok sa sinehan sa panahon ngayon.”

Puring-puri naman ni Direk Joel ang mga pagganap nina Mark at Claudine sa Deception.

Aniya, “Meron akong dalawang intelihenteng artista. Mahirap kasi kung ang artista mo, e, hindi intelligent.

“Kung ngongo ang artista mo, hindi maintindihan ang mga sinasabi mo, hindi kayo magkakasundo.

Continue reading below ↓

“Itong dalawang ito ay propesyunal at nakakaintindi ng mga sinasabi at kung paano bibigyang-buhay ang mga karakter na na-assign sa kanila.

“Mas malalim silang dalawa ngayon dahil sa mga karanasan na nasagap nila sa kanilang buhay, lalong naging malalim ang kanilang perception sa reyalidad na kinakaharap nila at nata-translate nila yun sa kanilang pag-arte.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Anthony Fernandez on his "realistic" birthday wish: “I want to make five or seven movies for this year. Ipagpapatuloy ko rin to always have God in the center of my life at, siyempre, good projects.”
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results