Watch Now

AJ Raval at Julia Barretto, mahigpit ang kumpetisyon sa Vivamax top contents

by Jojo Gabinete
Jan 18, 2022
aj raval julia barretto vivamax
Nangunguna sa kasalukuyan ang Hugas nina AJ Raval at Sean de Guzman (kaliwa) sa top contents ng Vivamax, habang inaasahang gagawa ng ingay ang upcoming movie nina Julia Barretto at Carlo Aquino (kanan) na Expensive Candy.
PHOTO/S: Vivamax

Pinatunayan ni AJ Raval na siya pa rin ang nangunguna sa mga baguhan na sexy actress dahil number one content agad sa Vivamax ang Hugas nang magsimula ang streaming nito noong January 14, 2022.

Ang Hugas ang sexy-drama-action movie na pinagbibidahan nina AJ at Sean de Guzman.

Pero hindi lamang isa kundi tatlo ang mga pelikula niyang kasali sa Top 10 ng Vivamax. Nasa listahan din ang Taya (No. 6) at Crush Kong Curly (No. 8).

Ang direktor na si Roman Perez Jr. ang male counterpart ni AJ dahil tatlo rin sa kanyang pelikula ang kabilang sa Top 10 content ng Vivamax—Hugas, Siklo (No. 2), at Taya.

Dahil dito, “Roman is the man!’ ang moniker na ibinigay sa kanya.

Pero hindi ang mga kapwa baguhang sexy stars na sina Angeli Khang, Ayanna Misola, Jela Cuenca, at Cara Gonzales ang mahigpit na kakumpitensiya ni AJ.

Ito ay walang iba kundi si Julia Barretto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula nang ipalabas sa Vivamax ang Di Na Muli, hindi ito nawala sa Top 10 content list ng Vivamax.

Ang Di Na Muli ang drama series na pinagbibidahan ni Julia na unang napanood sa TV5. Ito ang kaisa-isang drama show sa Vivamax na hindi mapatumba ng sexy movies na muling nabuhay, namamayagpag, at napagbalingan ng atensiyon ng publiko sa ikalawang taon ng pandemya noong 2021 hanggang sa kasalukuyan.

May mga prediksiyong gagawa rin ng ingay ang Expensive Candy, ang coming-of-age Vivamax movie ni Julia dahil sa sex-worker role nito na ibang-iba sa mga karakter na kanyang ginampanan sa mga nakaraang wholesome movie projects niya.

Sa panayam ng Cabinet Files kay Julia noong December 17, sinabi niyang excited siya para sa Expensive Candy na reunion movie nila ng direktor na si Jason Paul Laxamana.

“[I’m] so, so, so excited for everybody to see this. It’s nothing that I’ve ever done before.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I’d like to believe it’s a coming-of-age film and perfect because it’s almost my birthday.

“I play Candy, she’s a sex worker, and Carlo Aquino plays a school teacher. He falls in love with her and that’s where the love story begins.

"It’s very exciting, I dunno if I can say much ‘coz I don’t wanna spoil much,” sabi ni Julia tungkol sa Expensive Candy, na pinaniniwalaang higit na mag-aangat sa kalidad ng mga sexy drama movie na popular ngayon sa manonood.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nangunguna sa kasalukuyan ang Hugas nina AJ Raval at Sean de Guzman (kaliwa) sa top contents ng Vivamax, habang inaasahang gagawa ng ingay ang upcoming movie nina Julia Barretto at Carlo Aquino (kanan) na Expensive Candy.
PHOTO/S: Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results