Mark Anthony Fernandez binigyan ng ultimatum ang pagbabalikan nila ni Claudine Barretto

by Jojo Gabinete
Jan 24, 2022
claudine mark anthony romance
Mark Anthony Fernandez on possible reconciliation with ex-girlfriend Claudine Barretto: "Kapag hindi kami nagka-loving-loving in the next three years, wala nang mangyayaring ganoon, co-actors na lang kami. Pero kapag in the next three years or four years, nagka-jelling-jelling kami, puwede."
PHOTO/S: Facebook

Nagsalita nang tapos si Mark Anthony Fernandez na kapag hindi pa sila nagkabalikan ni Claudine Barretto sa susunod na tatlo o apat na taon, hindi na siya aasang magkakaroon pa ng Part 2 ang kanilang relasyon.

Una silang nagkarelasyon noong mga teenager pa ang dalawa. Parehong 42 years old na ngayon ang dalawa.

Pahayag ni Mark, “Posibleng magkabalikan kung mangyayari in the next three or four years. Pero kapag lumagpas na doon, parang imposible na, yun lang ang iniisip ko.

"Kapag hindi kami nagka-loving-loving in the next three years, wala nang mangyayaring ganoon, co-actors na lang kami.

"Pero kapag in the next three years or four years, nagka-jelling-jelling kami, puwede. Pero beyond that, hindi na ako aasa pa."

Muling nagkasama sina Mark at Claudine sa drama-suspense movie na Deception.

Mula nang mag-umpisa at hanggang matapos ang shooting ng pelikula, ang pagbabalikan nila ang madalas na itinatanong ng entertainment press kaya tinuldukan na ni Mark ang isyu.

Continue reading below ↓

Tungkol sa panlilinlang ang kuwento ng Deception.

THE TALE ABOUT THE PILOT WATCH

Gaya ng mga ordinaryong taong nabibiktima ng mga scammer, inamin ni Mark na naranasan na rin niyang malinlang ng bumili siya ng relo sa isang mall.

“One time, bumili ako ng watch. 'Ano itong binibili ko?' sabi ko.

“'Pilot watch,' sabi niya [salesman]. Sabi niya, ‘Bilhin mo, mura lang ‘yan.’

“E, di binili ko. The next day, 12 noon, tumigil yung relo. Bumalik ako sa mall.

"Sabi ko, 'Sir, sir tumigil [ang relo] ng alas-dose, e.'

“Sabi niya, ‘Ano ba yung binili mong relo?’ Sabi ko, 'Pilot watch.'

“Sabi niya, ‘E, di ba ang piloto, kapag alas-dose, nagla-lunch?’” salaysay ni Mark, na poker-faced habang nagsasalita kaya mahirap maarok kung nagbibiro lamang siya o totoo ang kanyang naranasang panlilinlang.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Anthony Fernandez on possible reconciliation with ex-girlfriend Claudine Barretto: "Kapag hindi kami nagka-loving-loving in the next three years, wala nang mangyayaring ganoon, co-actors na lang kami. Pero kapag in the next three years or four years, nagka-jelling-jelling kami, puwede."
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results