Watch Now

Pops Fernandez, naka-bonding ang past at present loves ni Martin Nievera

by Jojo Gabinete
Jan 25, 2022
Pops Fernandez, Martin Nievera, Katrina Ojeda, Anj del Rosario, Ram Rivera, Santino Rivera
Pops Fernandez shows photo of her unconventional but happy family including Martin Nievera's former partner Katrina Ojeda and current girlfriend Anj del Rosario. Seen in the photo (L-R): Katrina, Pops, Ram Nievera, Santino Nievera, Martin, and Anj.
PHOTO/S: @popsfernandezofficial Instagram

Apparently, iniiwasan ni Pops Fernandez ang mga harsh word mula sa abusive netizens kaya disabled ang comments sa kanyang Instagram account.

Partikular dito nang i-post niya ang larawan nila ng ex-husband na si Martin Nievera na may caption na "When anything is pops-sible."

Patunay itong totoo ang kasabihang "A picture is worth a thousand words."

Makabuluhan ang larawan na ibinahagi ni Pops sa social media account niya dahil kasama sa litrato ang dalawa pang babaeng may kaugnayan kay Martin.

Naroon ang former live-in partner ni Martin na si Katrina Ojeda at current girlfriend ng Concert King na si Anj del Rosario.

Ang pagsasama-sama nila ay para sa maagang pagdiriwang nila sa Amerika ng 60th birthday ni Martin. Sa February 5 pa ang mismong birthday ng Concert King.

Larawan sila ng isang unconventional pero happy family.

Kasama rin nila ang bunsong anak nina Martin at Pops na si Ram, na magdiriwang ng kaarawan sa January 26.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Present din si Santino, na anak nina Martin at Katrina. Si Katrina ay engaged sa former singer-actor na si Jerome John Hughes.

Read: Former singer Jerome John Hughes engaged na sa ex-partner ni Martin Nievera na si Katrina Ojeda

Marami ang humahanga kay Pops dahil nagiging kaibigan niya ang mga babaeng nakakarelasyon ni Martin. At higit sa lahat, tunay na anak ang turing niya kay Santino.

Truly, mapalad si Martin, na ganap nang senior citizen sa susunod na buwan, dahil may ex-wife siyang kagaya ni Pops.

Ikinasal sina Martin at Pops noong June 28, 1986.

Noong 1996, matapos ang sampung taong pagsasama ay naghiwalay sila. Na-annul ang kanilang kasal noong 2000.

Bukod kay Ram ay may isa pa silang anak na si Robin.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pops Fernandez shows photo of her unconventional but happy family including Martin Nievera's former partner Katrina Ojeda and current girlfriend Anj del Rosario. Seen in the photo (L-R): Katrina, Pops, Ram Nievera, Santino Nievera, Martin, and Anj.
PHOTO/S: @popsfernandezofficial Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results