Julius Babao, excited na sa pagsisimula sa Frontline Pilipinas sa February 7

"Ito yung beginning of a new day. Beginning of a new career and a new life."
by Jojo Gabinete
Jan 27, 2022
julius babao tv5
Magsisimula na ang stint ng dating Kapamilya broadcaster na si Julius Babao bilang bagong co-anchor ng Frontline Pilipinas, ang primetime news program ng TV5, sa February 7, 2022.
PHOTO/S: Screen grab from Frontline Pilipinas

“Excited na excited ako. Instantly felt at home dito sa ating Kapatid Network.”

Ito ang reaksiyon ni Julius Babao nang opisyal siyang ipakilala kahapon, January 26, 2022, bilang bagong kasangga ni Cheryl Cosim sa paghahatid ng mga balita sa primetime edition ng Frontline Pilipinas, ang newscast ng TV5.

Magsisimula sa February 7 ang Frontline Pilipinas stint ni Julius.

Si Cheryl ang nagpakilala sa kanya bilang bagong miyembro ng Kapatid Network:

“Matapang na mamamahayag, beteranong journo at lingkod bayan. Bitbit niya ang mahigit tatlong dekada ng paghahatid ng mga balita at impormasyon na dapat ninyong malaman."

Dagdag na pahayag ni Julius tungkol sa paglipat niya sa TV5, “Ito yung beginning of a new day. Beginning of a new career and a new life.

“Ako ay mag-a-anchor with my former Alas Singko Y Medya co-host, si Cheryl Cosim. I’m very excited to work with her again after many, many years.

"Kapag nagsama kaming dalawa, complimentary lang yung mangyayari. Suportahan, kumbaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Unang nagkasama sina Julius at Cheryl bilang mga host ng Alas Singko Y Medya, ang dating morning show ng ABS-CBN.

Muli nilang makakatrabaho ang isa’t isa sa Frontline Pilipinas na may timeslot namang alas singko y medya ng hapon at napapanood sa TV5 mula Lunes hanggang Biyernes.

HOT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magsisimula na ang stint ng dating Kapamilya broadcaster na si Julius Babao bilang bagong co-anchor ng Frontline Pilipinas, ang primetime news program ng TV5, sa February 7, 2022.
PHOTO/S: Screen grab from Frontline Pilipinas
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results