Watch Now

Female star, sinopla ng talent manager na tinanong niya kung peke ang suot na Rolex watch

by Jojo Gabinete
Feb 1, 2022
pep blind item couple
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Nakahanap ng katapat ang female star na obsessed sa luxury watch at branded things dahil nakatikim siya ng salita mula sa talent manager na pinagdudahan niyang fake ang suot na Rolex watch.

“Is that real?” tanong ng female star sa talent manager.

“Oo,” nagulat na sagot ng talent manager sa female star.

"Paano ka naka-afford na makabili niyan?" kasunod at walang prenong tanong ng female star sa talent manager.

Nainsulto ang talent manager pero mabilis nitong nabawi ang composure at sinabi: “Marami akong kaibigan na mayayaman. Marami ang nagmamahal sa akin. Ikaw, may nagmamahal ba sa 'yo?”

“You’re so rude!” reaksiyon ng female star na nahimasmasan pero halatang-halatang napahiya dahil tinamaan siya ng mga salitang pinakawalan ng talent manager.

Hindi natapos sa Rolex watch ang isyu sa pagitan ng dalawa.

Sa kanilang muling pagkikita, ang “Gucci” T-shirt na suot ng talent manager naman ang pinuna ng female star.

“Sosyal ka talaga,” papuri ng natuto nang female star sa talent manager dahil sa Gucci T-shirt na suot nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi ng aktres na pareho ang T-shirt nila ng talent manager, na hindi na niya mapaglaruan at malait dahil sa Rolex-watch incident.

Napatunayan ng talent manager na walang katotohanang authority sa mga authentic at mamahaling branded na kagamitan ang female star dahil nang magkita sila, fake at hindi original ang Gucci T-shirt na suot ng talent manager.

“Tanga rin pala siya,” sabi ng talent manager sa Cabinet Files.

Mula noon, hindi na sineryoso ng talent manager ang female star na kasing-fake ng kanyang Gucci T-shirt ang pag-uugali.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results