Watch Now

Heart Evangelista, nagbago ang isip na huling teleserye na niya ang I Left My Heart In Sorsogon?

by Jojo Gabinete
Feb 4, 2022
heart evangelista i left my heart in sorsogon
Heart Evangelista: "Honestly, mami-miss ko yung pag-arte siguro, kasi I did say na last soap ko, pero parang na-miss ko bigla. I really enjoyed the craft and working, collaborating with Direk and all the actors, so yung you’re in your element, I will really miss that.”
PHOTO/S: GMA Network

Sa February 11 2022 na ang finale episode ng I Left My Heart in Sorsogon, ang romance-drama series nina Heart Evangelista, Richard Yap, at Paolo Contis.

Marami sa loyal viewers ng I Left My Heart in Sorsogon ang naniniwala at umaasang ang karakter ni Paolo na si Mikoy ang makakatuluyan ni Celeste (Heart).

Pero iba ang ipinapahiwatig ng leaked video mula sa taping ng teleserye na nagpapakita kina Richard at Heart na mahigpit na nagyakapan sa isang eksenang kinunan sa harap ng isang pulang helicopter.

heart richard i left my heart in sorsogon

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Supposedly, ang I Left My Heart in Sorsogon ang huling teleserye ni Heart dahil noong November 2021, nagbitaw siya ng salita tungkol sa pagpapahinga sa pag-arte kapag nagwakas na ang programa na kanyang pinagbibidahan.

“I’ll be leaving also for a while so I feel now is really the time,” pahayag noon ni Heart.

Tila nagbago ang isip ng aktres dahil sa pahayag niya sa farewell virtual media conference ng I Left My Heart in Sorsogon na naganap ngayong Biyernes ng hapon.

“Siguro because of my schedule kaya nasabi ko rin na last soap ko but, honestly, parang napapaisip ako!” natatawang sabi ni Heart.

Aminado si Heart na mami-miss niya ang pag-arte pero hindi siya masyadong mangungulila sa mga kasamahan sa I Left My Heart In Sorsogon dahil mga kaibigan at hindi lamang taping friends ang trato niya sa kanyang mga katrabaho.

Saad niya, “I always make it a point na hindi lang kami taping friends, palagi kaming magkikita, that we’ll always be part of each others lives.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But honestly, mami-miss ko yung pag-arte siguro kasi I did say na last soap ko, pero parang na-miss ko bigla.

“I really enjoyed the craft and working, collaborating with Direk and all the actors, so yung you’re in your element, I will really miss that.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heart Evangelista: "Honestly, mami-miss ko yung pag-arte siguro, kasi I did say na last soap ko, pero parang na-miss ko bigla. I really enjoyed the craft and working, collaborating with Direk and all the actors, so yung you’re in your element, I will really miss that.”
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results