Pilar Pilapil, planong gawan ng part two ang kanyang autobiography

by Jojo Gabinete
Feb 4, 2022
pilar pilapil book
Pilar Pilapil: "The reason why I want to write another book again, probably, that would be the time that I will talk about my experiences in show business, etc."
PHOTO/S: @pilarvpilapil on Instagram

May plano ang veteran actress at former beauty queen na si Pilar Pilapil na sumulat ng sequel ng The Woman Without A Face, ang kanyang best-seller autobiography book noong 2006.

Makulay at kontrobersiyal ang kuwento ng buhay ni Pilar na buong tapang nitong ipinagtapat sa publiko sa pamamagitan ng kanyang libro, pero hindi pa ito kumpleto kaya desidido siyang maglabas ng ikalawang bahagi.

Pahayag ng 71-year-old actress, “I have a plan to have a book two of my book, The Woman Without A Face.

“You know, when that was launched, that was launched in 2006, medyo hindi pa tapos ang kuwento ng buhay ko, so mag-uumpisa siguro ako after it was launched in 2006.

And I’m very encouraged because that became the bestseller at the National Bookstore under the non-fiction category in May of 2006.

“The reason why I want to write another book again, probably, that would be the time that I will talk about my experiences in show business, etc.

Continue reading below ↓

“But most especially, that would be a very, very much much more interesting book because there’s so many things that happened since 2006.

"So, I’m looking forward to publishing that again, hopefully before I turn 80 or maybe around that.”

the woman without a face

Kung matutuloy ang paglalabas ni Pilar ng sequel ng autobiography book niya, inaasahan naming magkukuwento siya tungkol sa tangkang pagpaslang sa kanya para magkaroon na ng closure ang isang krimen.

Continue reading below ↓

Biktima ng carjacking si Pilar sa insidenteng naganap sa Marikina City. Nangyari naman ang pananaksak sa kanya sa Antipolo City noong April 15, 2011.

Nagtamo si Pilar ng maraming saksak sa katawan at inabandona siya ng mga kriminal pero milagrong nakaligtas dahil sa tulong ng mga residenteng tumulong sa kanya.

Isa kami sa mga unang bumili ng kopya ng A Woman Without A Face nang ilunsad ito noong 2006.

PILAR ON HER LOVE AFFAIR WITH DOY LAUREL

Nagustuhan namin ang libro ni Pilar dahil wala siyang inilihim tungkol sa kanyang personal na buhay.

Kabilang na ang pakikipagrelasyon niya sa King of Comedy King na si Dolphy at ang pagmamahalan nila ni former Philippine Vice President Salvador "Doy" Laurel.

Si Pilar ang gumanap na nanay ni President Glenn Acosta, ang pangulo ng bansa na karakter ni Gabby Concepcion sa First Yaya.

Magbabalik ang character ni Pilar sa First Lady, ang sequel ng successful primetime drama series ng GMA-7.

Continue reading below ↓

Sa tunay na buhay, isang lalakeng naging bise presidente at hindi pangulo ng bansa ang nakarelasyon ni Pilar, si Vice President Salvador Laurel.

Sumakabilang-buhay si Laurel noong January 27, 2004.

Nang i-promote ni Pilar noong 2006 ang The Woman Without A Face sinabi ni Pilar sa isang interbyu na minahal niya si Laurel, kahit meron itong asawa at mga anak.

“I was very much aware of his status. But he was a very thoughtful person, he genuinely cared for me, thus, I learned to love him.

“Truthfully, I was never ready to have a child back in 1973. But Doy and I decided to have the baby.

"Show business took a backseat, then. My life changed the moment I held Pia in my arms. My priorities changed,” rebelasyon ni Pilar tungkol sa nakaraan nila ni Laurel at ang pagkakaroon nila ng anak, si Pia Pilapil, na naging bahagi rin noon ng showbusiness.

Continue reading below ↓

Si Pilar ang Bb. Pilipinas-Universe title holder noong 1967.

Hindi siya ang nag-iisang cast member ng First Lady na produkto ng Binibining Pilipinas bago pumasok sa showbiz.

Kasama rin sa cast ng First Lady si Alice Dixson, na kinoronahang Bb. Pilipinas-International noong 1986; si Maxine Medina, Miss Universe Philippines 2016; at Francine Prieto, isa sa Top 12 finalists sa Binibining Piipinas 2003.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pilar Pilapil: "The reason why I want to write another book again, probably, that would be the time that I will talk about my experiences in show business, etc."
PHOTO/S: @pilarvpilapil on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results