Watch Now

Diego Loyzaga at Barbie Imperial, problemado na ang relasyon bago pa sumapit ang Pasko?

by Jojo Gabinete
Feb 5, 2022
barbie imperial diego loyzaga dulo
Sa Zoom interview nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga noong Disyembre para sa pelikula nilang "Dulo" nakiusap pa si Diego na hindi sila sasagot sa mga tanong na walang kinalaman sa kanilang pelikula o tungkol sa ibang tao.
PHOTO/S: Zoom

Kinumpirma ni Barbie Imperial sa isang television interview na hiwalay na sila ni Diego Loyzaga pero hindi na siya nagbigay ng detalye tungkol sa dahilan ng pagwawakas ng kanilang isang taong relasyon.

READ: Barbie Imperial confirms breakup with Diego Loyzaga; reveals love lesson she learned

Ipinagdiwang nina Barbie at Diego ang unang anibersaryo ng kanilang girlfriend-boyfriend relationship noong December 11, 2021.

Pero diumano, bago sumapit ang Pasko, nagkaroon na ng problema sa kanilang pagsasama.

Lumipad si Diego sa U.S., at nang tanungin sa digital media conference ng The Wife noong January 21 kung bakit hindi niya kasama si Barbie, sumagot siya ng, “Patay tayo diyan.

"I came here all of a sudden, like, I came here like, it wasn’t planned and I don’t think Barbie has a blue passport, so I booked my flight a day before I left.

"I don’t think even if she wanted to come here, she couldn’t have come here.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa sagot na ito ni Diego, may pahiwatig nang may problema sa relasyon nila ng kanyang ex-girlfriend.

Hindi pa bumabalik sa Pilipinas si Diego dahil minabuti nito na palawigin o i-extend ang panahon ng pagbabakasyon niya sa Amerika na indikasyon pa rin na nagdaraan sa “healing process" ang 26-year-old actor.

Si Diego ang male lead sa The Wife, ang pelikula na pinagbibidahan din nina Louise delos Reyes at Cara Gonzales.

WATCH: Louise delos Reyes, nagbalik-tanaw sa kanyang GMA-7 projects

Nakatakda sa darating na linggo ang second digital media conference para sa The Wife at inaasahan ang pagdalo ni Diego.

Pero posibleng hindi siya magsalita tungkol sa breakup nila ni Barbie dahil sa insidenteng nangyari nang humarap sila noong December 3, 2021 sa mga miyembro ng entertainment writers para sa presscon ng Dulo.

Ang Dulo ang unang pelikulang pinagtambalan nina Barbie at Diego. Makahulugan ang pamagat nito dahil hindi nila narating ang dulo ng kanilang pagmamahalan nang maghiwalay sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Protective boyfriend si Diego kay Barbie, dahil bago nag-umpisa ang presscon, siya na ang nagkusang nagsalita na tungkol lamang sa kanilang pelikula ang mga katanungan na sasagutin nila.

Ito yung panahon na may mainit na isyu sa pagitan nina Barbie at AJ Raval na naging leading lady naman ni Diego sa Death of A Girlfriend.

Kaya para hindi na lumaki ang isyu, nakiusap si Diego sa entertainment media.

“Ako lang ang magsasalita, on behalf of the both of us. Barbie doesn’t have to say anything at all.

"So to all our friends today, unang-una, gusto kong magpasalamat. Once again, you’ve given us the time of your day to spend with us, to promote our movie.

"I know it’s inevitable that someone will ask certain questions, so I want to be the one na mauna na and talk about it briefly.

"All I want to say nga po is, today, we are here to promote and to talk about our movie, and I want [it] to stay that way. Tungkol lang sa movie, everything about the movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Now, if other people are mentioned or if other questions are mentioned about other people who are not part of this project, this Zoom, this meeting, wala akong kailangan sabihin tungkol doon," pakiusap noon ni Diego sa entertainment media.

Posibleng maulit ang pakiusap na ito ni Diego sa magaganap na virtual media conference ng The Wife dahil hindi nga siya kumportable na pinag-uusapan ang personal na buhay, lalupa’t mainit pa ang isyu tungkol sa paghihiwalay nila ni Barbie.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa Zoom interview nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga noong Disyembre para sa pelikula nilang "Dulo" nakiusap pa si Diego na hindi sila sasagot sa mga tanong na walang kinalaman sa kanilang pelikula o tungkol sa ibang tao.
PHOTO/S: Zoom
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results