Viva nakipagpartner sa international digital music company na Believe

by Jojo Gabinete
Feb 5, 2022
Sylvain Delange, Vic del Rosario, Verb del Rosario
From left: Sylvain Delange (Believe Asia Pacific Managing Director), Vic del Rosario (Viva Music and Artists Group Chairman, President, and CEO), and Verb del Rosario (Viva Records President).

Ang Believe ang isa sa leading digital music companies sa buong mundo. Ngayon ay bumuo ito ng partnership sa Viva Music and Artists Group, Inc. (VMAG).

Ang VMAG ang nagmamay-ari ng pinakamatanda at pinakamayamang back catalogue ng singers at music artists sa Pilipinas, na sumesemento sa claim nito bilang pinakamalaki at nangungunang music label sa Southeast Asia.

Ang strategic partnership ng dalawang kilalang kumpanya ang magpapalawak sa pagpapasikat ng local artists, higit na magpapaunlad sa unique catalogue, at mabilis na digital growth ng VMAG habang pinalalakas ang Believe sa Southeast Asia.

Sa kasalukuyan, ang Asia ang pinakamabilis na lumalagong digital music market at inaasahang magiging pinakamalaking recording music market sa buong mundo sa pagtatapos ng dekada.

Nakasaad sa opisyal na pahayag ng Believe na nagsimula itong mamuhunan sa Asia noong 2013, at nag-umpisa noong 2019 ang pagtutulungan nila ng VMAG para sa regional development ng mga artista.

Ang VMAG ang first mover sa mainstream ng lokal na hip-hop at meron na ngayong aktibong listahan ng mga nangunguna at papasikat na artists.

Continue reading below ↓

Ang partnership ng Believe at VMAG ang magbibigay ng kakaibang development platform para sa local OPM (Original Pilipino Music) artists.

Namuhunan ang Believe sa VMAG sa pamamagitan ng pagbili ng mga share na kumakatawan sa 15 percent—na may halaga o konsiderasyon na €23 million—ng kabuuang share capital.

Pahayag ng VMAG chairman, president, and CEO na si Boss Vic del Rosario tungkol sa partnership with Believe:

“It is with great pleasure and honor that I welcome Believe’s entry into Viva. Being one of the leading digital music corporations in the world, Believe brings with it its unparalleled track record in music technology advances and industry-leading label and artists services.

“Opportunities are boundless, as the partnership seeks to take Viva Music and Artists Group, Inc. (VMAG) into the next level, with the sole aim of marrying Believe’s vast international know-how on the digital front and that of Viva’s 50 years of dominance of the Filipino entertainment scene.

Continue reading below ↓

“This is truly an exciting development, not only for the 2 companies, but also for all the great and talented Pinoy artists who dream of making it big in business both here and abroad."

Ipinagmamalaki naman ni Sylvain Delange, managing director ng Believe Asia Pacific, ang pagsasanib-puwersa nila ng VMAG.

Aniya, “I am extremely proud and honored to establish this long-term partnership between Viva Music and Artists Group and Believe.

“Under the highly successful leadership of Vic del Rosario, Jr. coupled with the forward-thinking vision of Verb del Rosario, Viva has achieved the unique position of being simultaneously the most established and the most innovative music company in the Philippines.

“I am very confident that, leveraging each other’s expertise, this partnership will enable Viva and Believe to capture the ever-growing opportunities of the Philippine market and contribute to the rise of local artists.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
From left: Sylvain Delange (Believe Asia Pacific Managing Director), Vic del Rosario (Viva Music and Artists Group Chairman, President, and CEO), and Verb del Rosario (Viva Records President).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results