Rose Van Ginkel handang tumodo ng hubad sa pelikula... kung kailangan talaga

by Jojo Gabinete
Feb 5, 2022
Rose Van Ginkel
Kahit titillating comedy movies ang ginagawa ni Rose Van Ginkel, hindi pa rin daw siya todo kung maghubad sa pelikula.
PHOTO/S: @babyginkel Instagram

Tanggap ni Rose Van Ginkel na reluctant sexy star siya, dahil kahit titillating comedy movies ang kanyang projects tulad ng Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar, 69+1, Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie!Aussie! O Sige!, at ang upcoming Boy Bastos, may mga limitasyon pa rin ang pagpapaseksi niya.

Ayon kay Rose, hindi pa siya handa sa paghuhubad nang todo sa pelikula kaya kinakausap niya ang direktor bago gawin ang mga maseselang eksena.

“If kasama [ang sexy scenes] sa movie at nakikita ko na kailangan naman talaga, gagawin ko. May limit po kasi ako, bago ko gawin ang mga eksena like yung mga sensitive talaga, lagi kong sinasabi sa direktor na gusto ko lang po ganitong level lang.

“Ayoko ng sobra na parang yung point ng shot e ipakita ang katawan ko. Ayokong makita na ganoon.

"Gusto ko, every scene, kung ano yung kailangan sa story, for example, nagmamahalan sila, then, mas gusto ko na yun ang makita.

"Mas gusto ko na naka-focus yung kailangan sa eksena,” paliwanag ni Rose tungkol sa desisyon niyang lagyan ng limitasyon ang pagpapakita ng katawan sa mga pelikula na kanyang pinagbibidahan.

Half-Dutch si Rose na isinilang sa The Netherlands at nag-umpisa ang showbiz career bilang original member ng all-girl group na Pop Girls dahil maging singer ang talagang pangarap niya na natupad noong 2009.

Makalipas ang ang walong taon, nabuwag ang Pop Girls noong 2017 at sa unang taon ng coronavirus pandemic noong 2020, ni-reinvent ni Rose ang sarili bilang daring actress.

Dahil dito, nagkasunud-sunod ang kanyang projects sa kabila ng mga pag-aalinlangan niya na mabansagang sexy star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa ngayon, hindi pa talaga ako one hundred percent sure [bilang sexy star] pero nandito po kasi ako, siyempre, passion ko po itong ginagawa ko ngayon.

“Nandito ako sa moment na ine-explore ko lahat ng roles na kaya kong gawin.

“Pinakagusto ko po talaga is mapansin yung acting skills ko, so gusto kong ma-experience lahat.

“Itong pagpapaseksi, tinitingnan ko kung kaya ko bang gawin pero hindi pa one hundred percent na iniisip ko na sexy star na ako forever. Parang nag-e-explore pa po ako ngayon.”

Si Rose ang gumaganap na teacher at love interest ni Wilbert Ross sa Boy Bastos at gaya ng sinabi niya, tiniyak ng 26-year-old actress na kailangan sa kuwento ng pelikula ang sexy scenes nila.

ROSE VAN GINKEL

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kahit titillating comedy movies ang ginagawa ni Rose Van Ginkel, hindi pa rin daw siya todo kung maghubad sa pelikula.
PHOTO/S: @babyginkel Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results