All Of Us Are Dead actress Noreen Joyce Guerra, mas mukhang Koreana kesa Pinoy

by Jojo Gabinete
Feb 6, 2022
Noreen Joyce Guerra
Nag-audition daw noon si Noreen Joyce Guerra bilang foreigner sa ilang K-drama series, pero tinanggap lang siya nang ang pag-audition-an niya ay Korean roles.

Masaya at nagpapasalamat si Noreen Joyce Guerra (Instagram ID: joyce_in_korea) dahil sa mainit na pagtanggap sa All of Us Are Dead ng mga Pilipino at ng iba’t ibang lahi sa buong mundo.

Ang All of Us Are Dead ang South Korean coming-of-age zombie television series na napapanood at ilang araw nang top one most viewed content sa Netflix.

Cast member ng All of Us Are Dead si Noreen na Pilipinong-Pilipino pero madalas na napagkakamalan na Korean.

Noreen Joyce Guerra

Nagkaroon si Noreen ng partisipasyon sa All of Us Are Dead (na inumpisahan at natapos ang shooting sa kalagitnaan ng coronavirus pandemic) dahil madalas na high school student ang mga karakter na ginagampanan niya sa mga K-drama.

Exclusive na nakausap ng Cabinet Files si Noreen ngayong Linggo ng hapon, February 6, 2022.

MORE KOREAN LOOKING THAN PINOY

Kuwento ni Noreen kung paano siya napasali sa All Of Us Are Dead, “I was just sent there by my acting agency since I mostly played Korean high school student roles. I started filming for the series in June 2020,

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noreen Joyce Guerra

Isinilang at lumaki sa Roxas City, Capiz si Noreen, pero anim na taon na siyang naninirahan sa South Korea kunsaan kasalukuyan niyang ini-enjoy ang kanyang acting career.

“I’ve been doing event volunteer job for a couple of years at the Korean Cultural Center in the Philippines before coming to Korea and I happen to meet people from the industry,” pagpapatuloy ni Noreen.

“Upon arriving in Korea, I got to work in fashion show events, movie and drama awards as assistant stage director and translator through these connections.

“People suggested why don't I try being in front of the camera. I tried applying for foreigner roles but got declined because of my appearance.

“Therefore, I tried Korean roles just because, and it worked. That is also the reason why my roles are all Korean.”

Nasa shooting si Noreen ng bagong project nito nang mabanggit niya sa Cabinet Files na walumpu’t-lima (85) na ang bilang ng mga pelikula at television series na kanyang nagawa sa South Korea, isang achievement na hindi madaling mapantayan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dalawa sa mga proyektong K-drama series ni Noreen ang popular ngayon sa mga Pinoy, ang All of Us Are Dead at The Penthouse.

“I've been in 85 K-dramas so far like True Beauty, The King, You Are My Spring, Our Beloved Summer, Arthdal Chronicles, The Encounter, Record of Youth, Hospital Playlist, and two Netflix Originals like Extracurricular and My Name.

“As I've said, I've been in almost 85 K-dramas but I always got messages na hindi nila ako napansin.

“Unlike other foreigner or Filipino actors in Korea that were introduced as foreigners talaga sa production, in my case, I am considered as a Korean sa set kaya need mag-blend sa Koreans, meaning very low chance na makikita or makilala as Filipino.

“I keep on doing this kasi I am having fun and I don't really expect recognition in return kaya kahit hindi nila ako mapansin, okay lang!

"Just watch the drama kasi well-made at pinaghihirapan ang lahat ng details,” buong-pagpapakumbabang pahayag ni Noreen.

KOREAN ACTRESSES SHE ADMIRES

Sa mga Korean actress na nakatrabaho niya, sina Moon Ga-young at Seo Hyun-jin ang mga hinahangaan ni Noreen.

“I have been in Moon Ga-young's drama four times now, and Seo Hyun-jin's twice, and both didn't fail to amaze me on the set,” sabi ni Noreen na huling bumisita sa Pilipinas noong February 2020.

May plano raw siyang bumalik sa ating bansa sa lalong madaling panahon para magbakasyon.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-audition daw noon si Noreen Joyce Guerra bilang foreigner sa ilang K-drama series, pero tinanggap lang siya nang ang pag-audition-an niya ay Korean roles.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results