Xian Lim, nangakong di na uulitin ang photo-op sa "buwaya"

by Jojo Gabinete
Feb 8, 2022
xian lim in har
Xian Lim on spending more time with his mom, grandmom, and girlfriend Kim Chiu: “Life is really short and I just wanna give all the love and attention to my mom and lola and be with them as much as possible. And of course, my special someone din, I will be with her so sama-sama kaming tatlo."
PHOTO/S: @xianlimm on Instagram

Ikinuwento ni Xian Lim sa virtual media conference ng Bahay Na Pula ngayong Martes ng gabi, February 8, 2022 ang kanyang nakakakilabot na karanasan sa set ng pelikulang pinagbibidahan nila nina Marco Gumabao at Julia Barretto.

“I remember, dala ko yung camera ko, nag-video-video ako, tapos yung files ko, pagbalik sa hotel, nabura. Nabura lahat kasi parang hina-house tour ko yung bahay.

"So, sabi ko, 'Direk [Brillante Mendoza], ano kaya ang ibig sabihin nito?' Baka ayaw lang talaga magpa-video,” kuwento ni Xian tungkol sa kababalaghang nangyari sa kanya sa set ng Bahay Na Pula sa Pola, Oriental Mindoro.

Ang karanasang ibinahagi ni Xian ang nagpaalaala sa amin sa hindi niya malilimutang fun pictorial sa Zoobic Safari sa Subic, Zambales noong unang linggo ng January 2022.

Kasama ang nanay at lola niya, nakatuwaan ni Xian ni magpakuha ng litrato habang nasa loob ng bunganga ng buwaya ang kanyang ulo.

Memorable kay Xian ang photo-op nito sa nananahimik na buwaya dahil nasugatan at nagdugo ang ulo niya.

Continue reading below ↓

Read: True or false: Xian Lim, kinagat nga ba ng buwaya?

Ito ang isa samga tanong namin kay Xian sa presscon ng Bahay Na Pula.

Ano ang mas scary: ang shooting ng Bahay Na Pula o nang ipasok mo ang ulo mo sa bunganga ng buwaya sa fun pictorial na kasama ang nanay at lola mo. Maipapangako mo bang hindi mo na uulitin ang photo-op sa buwaya?

xian lim crocodile

Continue reading below ↓

Tawang-tawa si Xian sa narinig na tanong pero mabilis ang sagot niya.

Aniya, “For me, mas nakakatakot yung ipinasok ko yung ulo ko kasi pagkabunot… ang baboy pakinggan, pagkabunot ko sa ulo ko, dumudugo. Sumabit yung ngipin sa ulo.

"Nakakatawa kasing pakinggan. Nandito kasi si Marco kaya nagiging green yung usapan!”

Hindi napigilan ni Julia na magkomento sa sinabi ni Xian.

Sabi ng dalaga, “Ikaw lang ‘yan, Xian, ha? Nananahimik si Marco. Alam mo, Xian, in-expose mo yung sarili mo!”

Hindi na uulitin ni Xian ang ginawang pagpapasok ng ulo niya sa bunganga ng buwaya. Pero tiniyak ng aktor na mauulit bago sumapit ang Valentine’s Day ang pamamasyal nila ng kanyang nanay at lola, kasama si Kim Chiu.

“I really don’t like planning Valentine’s kasi I think it’s more of gusto ko either a day or before or two days before.

"Two days nga, parang matagal na, pero definitely, I’ll be spending time with the people closest to me, especially my mom and lola.

Continue reading below ↓

“I’m at a point in my life na gusto ko silang iikot, especially nung nangyari itong pandemic.

"Life is really short and I just wanna give all the love and attention to my mom and lola and be with them as much as possible.

"And of course, my special someone din, I will be with her so sama-sama kaming tatlo," sabi ni Xian.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Xian Lim on spending more time with his mom, grandmom, and girlfriend Kim Chiu: “Life is really short and I just wanna give all the love and attention to my mom and lola and be with them as much as possible. And of course, my special someone din, I will be with her so sama-sama kaming tatlo."
PHOTO/S: @xianlimm on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results