Infotainment shows Dapat Alam Mo! at The Best Ka! aarangkada na sa GMA-7

by Jojo Gabinete
Feb 10, 2022
dapat alam mo, the best ka
Ang Dapat Alam Mo! nina Emil Sumangil, Kim Atienza, at Patricia Tumulak (kaliwa) ang pansamantalang papalit sa timeslot na mababakante ng Wowowin; si Mikael Daez (kanan) naman ang host ng The Best Ka! na papalit sa timeslot ng Dear Uge.
PHOTO/S: GMA Network

Ang Dapat Alam Mo!, na orihinal na napapanood sa GTV, ang pansamantalang ipapalit ng GMA-7 sa timeslot na mababakante ng Wowowin.

Magpapaalam na sa Biyernes, February 11, 2022 ang game-variety show ni Willie Revillame.

Sina Kim Atienza, Patricia Tumulak, at Emil Sumangil ang mga host ng news magazine program na Dapat Alam Mo!, na ipalalabas sa Kapuso Network simula sa Lunes, February 14 at diumano, simulcast din sa GTV.

Isang showbiz insider ang nagsabi sa Cabinet Files na temporary replacement lang ang Dapat Alam Mo! sa timeslot na iiwanan ng top-rating game at public service program ni Willie.

Ayon sa insider, ang Family Feud Philippines ang talagang nakatakdang ipalit sa Wowowin.

Sa huling linggo ng Pebrero ang planong taping ng pilot episode ng Family Feud Philippines, pero magkakaroon ng mga pagbabago dahil hindi na pumirma si Willie ng bagong kontrata sa Kapuso Network.

Malalaman sa linggong ito kung kailan sisimulan ang taping ng Family Feud Philippines, pati na ang napiling host ng game show.

Continue reading below ↓

Sina Richard Gomez (2008-2009), Dingdong Dantes (2009-2010), at Edu Manzano (2011) ang former hosts ng Family Feud sa GMA-7.

Samantala, The Best Ka! ang pamagat ng infotainment show ni Mikael Daez na nakatakda ang pilot telecast sa February 20.

the best ka

Ito ang ipapalit sa Dear Uge, ang Sunday comedy anthology ni Eugene Domingo na magpapaalam sa telebisyon sa February 13, 2022.

Continue reading below ↓

Ang world record-breaking facts at achievements na halaw sa Guinness World Records ang ihahatid sa televiewers ng The Best Ka! pero magpapakita rin ito ng mga kakaibang kuwento at tagumpay ng mga Pilipino.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang Dapat Alam Mo! nina Emil Sumangil, Kim Atienza, at Patricia Tumulak (kaliwa) ang pansamantalang papalit sa timeslot na mababakante ng Wowowin; si Mikael Daez (kanan) naman ang host ng The Best Ka! na papalit sa timeslot ng Dear Uge.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results