Crash Landing On You stars Hyun Bin at Son Ye-jin ikakasal na

by Jojo Gabinete
Feb 10, 2022
hyun bin, son ye-jin
Korean superstars Hyun Bin and Son Ye-jin announce their decision to settle down via separate Instagram posts Thursday, February 10, 2022.

Ang balita tungkol sa pagpapakasal ng Crash Landing On You superstars na sina Hyun Bin at Son Ye-jin ang puwedeng maging dahilan para muling magkabuklod-buklod ang mga nagkawatak-watak na Pilipino dahil sa mga kaganapan sa pulitika.

Masaya at positibong balita para sa maraming Pinoy na legit K-drama fans ang magkahiwalay na pahayag nina Hyun Bin at Son Ye-Jin tungkol sa kanilang desisyong magpakasal.

Sa pamamagitan ng official Instagram account ng VAST Entertainment, ang agency na kinabibilangan ni Hyun Bin, inanunsiyo ng Korean actor ang nalalapit na pag-iisang dibdib nila ni Son Ye-jin.

Ito ang English translation ng announcement ni Hyun Bin na isinulat nito sa Korean language at ibinahagi niya ngayong Huwebes ng gabi, February 10, 2022:

“Hello, this is Hyunbin. How are you all doing?

"I am writing this to inform you about the most important decision of my life to my fans who have been kind to me in many ways and have given me great care and love.

Continue reading below ↓

“There are people who guess right. Yes. I made an important decision to get married, and I’m going to carefully step into the second phase of my life. Promised with her she always make me smile. To walk together through the coming days.

“I am going to show an excerpt from Jeong-hyuk and Seri who were together in the work. I think you’ll cheer for our first steps with the warm and affectionate young gaze you’ve sent us so far. Then I hope everyone stays healthy and happy until the day we meet and greet.”

Continue reading below ↓

Magkasabay ang anunsiyo na inilabas nina Hyun Bin at Son Ye-jin sa social media.

Sinabi ni Son Ye-jin na pinag-isipan nito nang matagal ang pagbabahagi nila ni Hyun Bin sa publiko ng isang importanteng pagpapasya.

Saad niya: “I thought long and hard about how to share this story because it’s an important one. I found someone to spend the rest of my life with. Yes… it’s him.

“Boy meets girl, recognizes each other in the crowd, promises to build a future together…I couldn’t imagine!

“It happened so naturally…But isn’t that destiny?

“Just being with him, I feel warm and protected. Please help us celebrate the beginning of our future.

“And to my dearest fans, I have received unconditional love and for a long time now, I thought, there’s no way to repay it.

“Please know that I’m infinitely grateful and I also wish you all happiness!”

Continue reading below ↓

Nabuo ang relasyon nina Hyun Bin at Son Ye-jin sa set ng kanilang phenomenal TV series, ang Crash Landing On You, na matagal nanatiling number one content nang ipalabas ito sa Netflix noong 2019.

Minahal ng maraming Pilipino ang love team nina Hyun Bin at So Ye-jin sa Crash Landing On You kaya kabilang sila sa mga nagbunyi nang mauwi sa totohanan ang relasyon ng mga sikat na South Korean stars.

Ang Crash Landing On You ang nagbigay ng aliw sa mga Pilipino sa unang taon ng coronavirus pandemic noong 2020 dahil bukod sa kuwento na kanilang nagustuhan, minahal nila ang mga karakter na ginampanan nina Hyun Bin at Son Ye-jin.

Read: Crash Landing On You stars Hyun Bin, Son Ye Jin in a relationship

Bago natapos ang 2021, kumalat ang balitang lihim na nagpakasal sina Hyun Bin at Son Ye-jin pero itinanggi nila ito.

Ngayong Huwebes, mismong sa dalawa nanggaling ang kumpirmasyon tungkol sa kanilang magaganap na pag-iisang-dibdib pero hindi sila nagbigay ng petsa.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korean superstars Hyun Bin and Son Ye-jin announce their decision to settle down via separate Instagram posts Thursday, February 10, 2022.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results