Heart Evangelista, nakadepende sa leading man ang pagbabalik sa pelikula

by Jojo Gabinete
Feb 11, 2022
heart evangelista
Heart Evangelista on who between Paolo Contis and Richard Yap will her character choose in I Left My Heart In Sorsogon: “Sa totoo lang, hilong-hilo rin ako kasi every time gumagawa ako ng eksena with both of them, Mikoy [Paolo Contis] and Tonito [Richard Yap], dumudugo yung puso ko. But I think that’s kind of real life, you always have a great love and a true love or your destiny."
PHOTO/S: @iamheart on Instagram

Hindi na ang I Left My Heart in Sorsogon ang huling teleserye ni Heart Evangelista dahil nagbago ang isip nito nang mapagtanto niya ang pagmamahal sa pag-arte na naging instrumento para magkaroon siya ng showbiz career.

Binawi ni Heart ang mga dating pahayag dahil gusto pa rin niyang gumawa ng mga teleserye, pero nakasalalay ang lahat sa panahon na libre siya na magtrabaho.

“I said it with finality the last time, but when I started to watch the show [I Left My Heart in Sorsogon], I realized how I also love acting din pala.

“Maybe, as of the moment, it will be my last. Matatagalan siguro ako, but if you want me to do a special, I’m open to that.

“Sa schedule lang talaga, hindi ko kaya. I have so much to balance, I have my husband, ayokong mag-promise na I will have time.”

Nagpahiwatig din si Heart ng kagustuhang gumawa ng pelikula pero depende naman ito sa aktor na makakapareha niya.

Continue reading below ↓

“A movie, definitely, it really just depends who my leading man would be, but I really wanted it to matter.

“Ang feeling ko, okay ako doon. Iniisip ko din yung time, kasi kapag movie, fifteen days lang [ang shooting],” saad ng aktres.

Ang huling pelikulang ginawa ni Heart ay ang Felix Manalo noong 2015.

Nahirapan namang magdesisyon si Heart kung sino sa leading men niya sa I Left My Heart in Sorsogon ang pipiliin ni Celeste, ang pangalan ng kanyang karakter sa romance-drama series ng GMA-7 na magwawakas ngayong Biyernes ng gabi, February 11, 2022.

Ayon kay Heart, “Sa totoo lang, hilong-hilo rin ako, kasi every time gumagawaa ako ng eksena with both of them, Mikoy [Paolo Contis] and Tonito [Richard Yap], dumudugo yung puso ko.

"But I think that’s kind of real life, you always have a great love and a true love or your destiny.

“I really pray that she finds the right decision kasi pati ako nahihirapan.

Continue reading below ↓

“Puwedeng balikan ko si Mikoy dahil siya ang nakakilala kung sino talaga ako. Pero on the other hand, iba na rin ako ngayon kesa dati.

"So, hindi natin alam kung ano yung struggles ni Mikoy at Celeste."

Naging maingat sa pagsagot si Heart, pero may mga naniniwalang si Tonito ang pipiliin ng kanyang karakter dahil sa leaked video clip ng I Left My Heart in Sorsogon noong nakaraang linggo.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heart Evangelista on who between Paolo Contis and Richard Yap will her character choose in I Left My Heart In Sorsogon: “Sa totoo lang, hilong-hilo rin ako kasi every time gumagawa ako ng eksena with both of them, Mikoy [Paolo Contis] and Tonito [Richard Yap], dumudugo yung puso ko. But I think that’s kind of real life, you always have a great love and a true love or your destiny."
PHOTO/S: @iamheart on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results