Ayanna Misola, pitong beses pinanood ang pinagbibidahang Kinsenas, Katapusan

by Jojo Gabinete
Feb 15, 2022
ayanna misola
Ayanna Misola sa mga gusto niyang baguhin sa sarili matapos mapanood ng pitong beses ang kanyang launching movie: “I think yung facial expressions ko, okay. Pero yung speech ko talaga, kailangan ng improvement. Masyado po kasi akong soft-spoken. Sa katawan naman, wala akong dapat ipa-enchance. Kuntento na ako sa katawan ko, workout-workout na lang ang kailangan.”
PHOTO/S: @ayannamisola on Instagram

Pitong beses nang napanood ni Ayanna Misola sa Vivamax ang pinagbibidahan niyang Kinsenas, Katapusan pero may plano pa siyang ulitin ang panonood dahil, diumano, bitin ang pakiramdam niya.

Tuwang-tuwa si Ayanna dahil hindi nito inaasahang magiging top content o number one sa Vivamax ang sexy-thriller launching movie niya kaya nangako siyang lalong pagbubutihin ang pag-arte para masundan pa ang kanyang mga project.

Saad niya, “Super saya ko po dahil na-appreciate ng mga tao yung movie na ginawa namin. Hindi ko po talaga inakala na bilang newbie, makakaya ko na mag-top sa Vivamax.

“Nakaka-proud ang pakiramdam dahil matagal ko nang pinangarap na maging artista tapos unti-unti nang natutupad ngayon.

“Seven times ko nang napapanood ang Kinsenas, Katapusan. Pati nga ang mga dialogue ng mga kasama ko sa eksena, memorized ko na.

“Paulit-ulit ang panonood ko para makita ko po kung ano pa ang mga dapat na ma-improve sa sarili ko.”

Ano ang mga napansin mong kailangang baguhin sa sarili mo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Ayanna, “I think yung facial expressions ko, okay. Pero yung speech ko talaga, kailangan ng improvement. Masyado po kasi akong soft-spoken.

“Sa katawan naman, wala akong dapat ipa-enchance. Kuntento na ako sa katawan ko, workout-workout na lang ang kailangan.”

Muling binanggit ni Ayanna ang balak na muling panoorin ang Kinsenas, Katapusan.

“Panonoorin ko po uli ang pelikula ko. Kahit ako po, nabibitin ako kaya inuulit-ulit ko. Marami ang nagsabi sa akin na nabibitin sila sa movie kaya sana raw, magkaroon ng Part 2.”

Naghahanda na si Ayanna para sa pagsisimula ng lock-in taping sa February 17 ng Iskandalo, ang upcoming sexy drama series ng Vivamax. Susundan ito ng shooting ng bagong pelikula na pagbibidahan niya.

Si Roman Perez Jr. ang direktor ng Iskandalo at ng upcoming movie project ni Ayanna.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayanna Misola sa mga gusto niyang baguhin sa sarili matapos mapanood ng pitong beses ang kanyang launching movie: “I think yung facial expressions ko, okay. Pero yung speech ko talaga, kailangan ng improvement. Masyado po kasi akong soft-spoken. Sa katawan naman, wala akong dapat ipa-enchance. Kuntento na ako sa katawan ko, workout-workout na lang ang kailangan.”
PHOTO/S: @ayannamisola on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results