Watch Now

Prof. Clarita Carlos, hindi minasama ang di pagdalo ng ibang presidential candidates sa SMNI Presidential Debate

by Jojo Gabinete
Feb 16, 2022
clarita carlos
Professor Clarita Carlos: "That’s their own prerogative. I don’t think it’s our business to second-guess them. They must have their own reasons, and I don’t think that’s important."
PHOTO/S: YouTube

Hindi minasama ni Professor Clarita Carlos ang hindi pagdalo ng presidential aspirants na sina Vice President Leni Robredo, Senators Panfilo Lacson at Manny Pacquiao, at Manila Mayor Isko Moreno sa presidential debate ng Sonshine Media Network International (SMNI).

Ginanap ang debate sa Okada Manila Resort Hotel sa Parañaque City, Martes ng gabi, February 15, 2022.

Tinanggihan ni Pacquiao ang imbitasyon dahil hindi raw maaatim ng kanyang konsensiya na um-attend sa debate gayong ang may-ari ng SMNI na si Kingdom of Jesus Christ church leader Pastor Apollo Quiboloy ay wanted ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ng Amerika dahil sa kasong sex trafficking.

Bukod dito, nagsampa ng kasong cyber libel si Pacquiao laban kay Quiboloy. Ibinasura ito ng Makati City Prosecutor's Office.

Si Lacson ay tumanggi sa kadahilanang isinapubliko na raw ni Quiboloy ang pagsuporta nito sa kandidatura ng tambalang Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte.

Sina Robredo at Moreno naman ay may ibang naka-schedule na aktibidad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang dumalo sa presidential debate ng SMNI kagabi ay sina labor leader Leody de Guzman, former Defense Secretary Norberto Gonzales, former presidential spokesperson Ernesto Abella, at si Bongbong na tinanggihan ang mga nauna at iba pang presidential debates.

Kabilang sa mga panelist sa presidential debate ng SMNI ang educator at political analyst na si Clarita Carlos, na pinuri at hinangaan ng netizens dahil sa kanyang mahusay at matalinong opinyon at mga tanong sa presidential contenders.

Ayon kay Carlos, sariling desisyon ng ibang presidential aspirants na hindi dumalo sa isinagawang presidential debate ng broadcasting arm ng religious group ni Quiboloy.

“That’s their own prerogative. I don’t think it’s our business to second-guess them. They must have their own reasons, and I don’t think that’s important," pahayag ni Carlos sa panayam niya sa Sa Totoo Lang ng One PH ngayong Miyerkules ng gabi, February 16.

Dagdag pa niya, “Parang sa klase, di ba, hindi ka naman namimilit sa estudyante mo dumating kayo o ano. Pero alam nila sa klase, sinasabi ko, 'Kapag hindi ka dumating, three hours ang lecture ko, mami-miss mo.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ganoon, e, so you make your own calculations and you make your own determination na bahala ka.

"It’s not my business to second guess you or ano, nagka-LBM ka, sumakit ang ulo mo, nawala ka sa mood, o kaya yung sinasabi ng iba na ewan ko kung tsismis yun, ayaw nila si Carlos sa panel.

“Those things are not important to me. The thing is I committed to attend, they gave way to many of my request, walang advance question, and I really paid tribute to the network who gave me those leeways.”

Nakarating sa kaalaman ni Carlos ang kumakalat na tsismis tungkol sa diumano’y presidential aspirant na hindi pabor na maging panelist siya sa SMNI-sponsored presidential debate.

Bago nagpaunlak magpainterbyu si Carlos sa Sa Totoo Lang, nag-post siya sa Facebook page niya ng reaksiyon tungkol sa isyu na kanyang narinig.

Aniya, “Not to feed more 'noise' in this platform... But, the allegation that one candidate wanted me out as a panelist, as a condition for that candidate to attend last night’s debate, if confirmed, is just TRAGIC...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wow! As a panelist, I am the LEAST of anyone’s concern...”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Professor Clarita Carlos: "That’s their own prerogative. I don’t think it’s our business to second-guess them. They must have their own reasons, and I don’t think that’s important."
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results