Kampo ni Cristy Fermin, pormal nang sasampahan ng reklamo ang abogado ni Dawn Chang

by Jojo Gabinete
Feb 18, 2022
cristy fermin, dawn chang
“We’re now laying the groundwork for filing next week,” sabi ng abogado ni Cristy Fermin (kaliwa) na si Atty. Ferdinand Topacio laban sa abogado ni Dawn Chang (kanan) na si Atty. Rafael Vicente Calinisan.
PHOTO/S: YouTube / Instagram

Natapos noong hatinggabi ng Huwebes, February 16, 2022, ang ultimatum na ibinigay sa isa’t isa ng kampo ni Dawn Chang at ng veteran media personality na si Cristy Fermin.

Pero wala sa kanila ang humingi ng public apology o bumawi sa mga salitang binitiwan nila.

Hindi pa tapos ang laban ng dalawa dahil inihahanda na ni Cristy, sa pamamagitan ng kanyang legal counsel na si Atty. Ferdinand Topacio, ang mga reklamong isasampa nila sa susunod na linggo laban kay Atty. Rafael Vicente Calinisan, ang abogado ni Dawn.

“We’re now laying the groundwork for filing next week,” pahayag ni Atty. Topacio sa text message na ipinadala niya sa Cabinet Files ngayong Biyernes ng umaga, February 18.

Kaabang-abang ang pagsasampa nina Cristy at Atty. Topacio ng reklamo dahil, diumano, may sorpresa sila para kay Chang at sa lahat ng mga sumusubaybay sa kontrobersiya.

Nag-ugat ang isyu sa pagitan nina Dawn at Cristy nang magbanta ang una na idedemanda niya ng libel ang veteran entertainment writer dahil sa mga sinabi nito sa Cristy Ferminute radio program noong February 10.

Continue reading below ↓

Patutsada ni Cristy kay Dawn: “Napaka-righteous at sikat nitong Dawn Chang. Di ba 'yan yung dancer? 'Yan yung dancer? Dancer ’yan na nasa ano dati... sa lunchtime show nila.

"Itong si Dawn Chang, ayan nagkakaroon ng mga trabaho ’yan, alam na alam sa ABS. Naku Dawn Chang, gusto mong ibulgar ko kung ba't ka nagkakaroon ng trabaho?

"E, pa-bash-bash ka pa. Ikaw ang dapat i-bash dahil wala kang mararating kung hindi ka nakikipaglandian sa mga boss."

Read: Dawn Chang’s camp demands public apology from Cristy Fermin for "nakikipaglandian" claim

Sinabi ito ni Cristy bilang depensa kay Toni Gonzaga dahil hindi niya nagustuhan ang mga pahayag ni Dawn laban sa aktres at ex-Pinoy Big Brother host.

Umani ng mga batikos si Toni dahil sa pagpapakilala kay senatorial aspirant Rodante Marcoleta sa proclamation rally ng UniTeam sa Philippine Arena noong February 8.

Si Marcoleta ang isa sa mga nanguna sa pag-uusig sa mga kinatawan ng ABS-CBN, partikular na sa top executives, sa isinagawang hearing sa Kongreso noong 2022 kaugnay ng franchise renewal application ng dating broadcasting giant.

Continue reading below ↓

Kabilang din ang dating deputy speaker sa 70 kongresista na bumoto para tuluyang ibasura ang franchise application ng Kapamilya network.

Full-page public apology sa leading national broadsheets at bawiin ni Cristy ang mga sinabi sa radyo, bago maghatinggabi ng February 16, ang mga kundisyong hiningi ng kampo ni Dawn para hindi nito ituloy ang pagsasampa ng libel case.

Pero hindi ito nangyari.

Sa halip, ang kampo ni Cristy ang nagbantang magdedemanda kapag hindi humingi ng public apology ang legal counsel ni Dawn dahil sa pagsasabi nitong "duwag," "sinungaling," at tiyak na ipakukulong nila ang veteran media personality.

RELATED STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“We’re now laying the groundwork for filing next week,” sabi ng abogado ni Cristy Fermin (kaliwa) na si Atty. Ferdinand Topacio laban sa abogado ni Dawn Chang (kanan) na si Atty. Rafael Vicente Calinisan.
PHOTO/S: YouTube / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results