Watch Now

Ama ni James Reid, nilinaw ang pagpunta ng singer-actor sa Amerika

by Jojo Gabinete
Feb 21, 2022
james reid, malcolm reid
Malcolm Reid, father of James Reid, takes to Instagram to deny reports that the actor-singer is moving to the U.S. to pursue his music career.
PHOTO/S: @james / @malreid1 on Instagram

Wala nang dapat ikalungkot ang fans ni James Reid sa Pilipinas dahil bunga lamang ng mga imahinasyon at espekulasyon ang balitang kumalat noong nakaraang linggo tungkol sa pag-alis ng bansa ng singer-actor para ipagpatuloy nito sa Amerika ang recording career niya.

Ang mga social media post ng kapatid at mga kaibigan ni James ang pinagbasehan ng mga sumulat ng report na hindi nagtanong o humingi ng beripikasyon mula kay Malcolm Reid, ang ama at tumatayong business manager ng 28-year-old showbiz personality.

Tinawag ni Malcolm na "basura" ang mga balita tungkol sa pag-alis ng Pilipinas ng kanyang anak noong nakaraang linggo na binigyang-linaw niya sa pamamagitan ng isang Instagram post kahapoin, February 20, 2022.

Caption ni Malcolm sa larawan nila ni James sa airport: “With James at NAIA a few days ago.On his way to LA for recording sessions and to visit his brother Andrew.

"That’s it. Anything else is basura… sorry to disappoint the fake newsmakers."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Malcolm ang business manager ni James kaya siya ang higit na nakakaalam sa mga plano at sa mga nangyayari sa buhay ng kanyang anak.

At bilang business manager ni James, may dahilan para maalarma at ituwid ni Malcolm ang fake news na sinasabi niya.

Tiyak na mababawasan ang interes kay James ng mga producer sa telebisyon, pelikula at concert o talagang mawawalan na siya ng mga alok na proyekto sa Pilipinas dahil sa false reports na ipagpapatuloy nito ang kanyang career sa Amerika.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Malcolm Reid, father of James Reid, takes to Instagram to deny reports that the actor-singer is moving to the U.S. to pursue his music career.
PHOTO/S: @james / @malreid1 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results