Kim Molina super excited mag-perform sa Expo 2020 Dubai

by Jojo Gabinete
Feb 24, 2022
kim molina
Kim Molina: “I really wanted to visit Dubai again because the last time I went to UAE was way back 2006. That was the time I won a singing competition, ang ABS-CBN TFC Popstar.”
PHOTO/S: @kimsmolina on Instagram

Kabilang si Kim Molina sa mga invited performer sa Expo 2020 Dubai na magaganap sa Dubai, United Arab Emirates, bukas, February 25, 2022.

Excited na umalis si Kim sa Pilipinas ngayong Huwebes, February 24, dahil matagal na panahong hindi siya nakalabas ng Pilipinas buhat nang magkaroon ng coronavirus pandemic noong March 2020.

“My last out-of-the-country trip was before the pandemic lockdown when Jerald and I went to Bali for New Year’s Eve,” sabi ni Kim sa exclusive interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) bago siya umalis para sa sandaling pananatili niya sa Dubai.

Babalik din sa Pilipinas sa February 26 ang grupo nila nina Nadine Lustre at Lyca Gairanod na mga magtatanghal din sa Expo 2020 Dubai.

Ayon kay Kim, “February 24 po ang flight namin to Dubai. Sa February 25 po yung event, and we'll be flying back to Manila agad sa February 26 because I will be attending Global Trends Business Leaders Awards Night in Okada Manila on the 28th with Jerald.

Continue reading below ↓

“Awardee po ang company namin and our brand, Fitmix, for the very first time kaya kailangan kong umuwi agad. Sobrang overwhelmed po namin ni Je ngayon sa lahat ng mga nangyayari.”

Kahit may pandemya, hindi nagdalawang-isip si Kim na tanggapin ang alok na lumipad sa ibang bansa para sa Expo Dubai 2020 dahil sa magagandang alaala niya sa Dubai.

Saad niya, “Super excited po ako! First time ko sa Expo Dubai 2020 at nang sabihin sa akin about the show, nag-yes agad ako.

“I really wanted to visit Dubai again because the last time I went to UAE was way back 2006. That was the time I won a singing competition, ang ABS-CBN TFC Popstar.”

Ang ABS-CBN TFC Popstar ang naging instrumento at umpisa ng showbiz career ni Kim kaya sabik na sabik siya sa pagbabalik niya sa Dubai.

“I’m happy because we are slowly getting back on track with live events and out-of-the-country travel opportunities,” ani Kim.

Continue reading below ↓

OSAKA FILM FESTIVAL

Nadagdagan ang kaligayahang nararamdaman ni Kim dahil sa partisipasyon ng Ikaw At Ako At Ang Ending sa New Action! Southeast Asia category ng 17th Osaka Film Festival na magaganap mula March 10 hanggang March 20 sa Osaka, Japan.

Ang Ikaw At Ako At Ang Ending ang critically-acclaimed movie nina Kim at Jerald na ipinagmamalaki nila nang husto.

Continue reading below ↓

“Sobra po kaming masaya ni Jerald when we were told about it. Kahit si Direk Irene [Villamor], super happy po!

“Dream po kasi talaga naming tatlo na mapasok sa festivals ang movie namin dahil sobrang minahal po namin ang proyektong ito,” aniya.

May plano ba kayong dumalo sa 17th Osaka Film Festival?

Sagot ni Kim, “That we are praying for and, sana, puwede na rin po na mag-travel to Japan by then. Kung anu’t ano man po, sobrang happy and honored na po namin na makasali ang aming pelikula sa Osaka Film Festival.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Molina: “I really wanted to visit Dubai again because the last time I went to UAE was way back 2006. That was the time I won a singing competition, ang ABS-CBN TFC Popstar.”
PHOTO/S: @kimsmolina on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results