Dingdong Dantes, magbabalik bilang host ng Family Feud

by Jojo Gabinete
Feb 24, 2022
dingdong dantes family feud
Dingdong Dantes on return as host of Family Feud: “The stage is set…It’s time to have some Fun!”
PHOTO/S: @dongdantes on Instagram

Magbabalik si Dingdong Dantes bilang host ng Family Feud, ang Philippine version ng popular American game show na muling ibabalik ng GMA-7.

Ang Family Feud ang ipapalit ng GMA-7 sa Dapat Alam Mo!, ang informative show na pansamantalang inilagay sa timeslot na nabakante ng Wowowin, ang game at public service program ni Willie Revillame na nagpaalam sa telebisyon noong February 11, 2022.

Bago pa man umalis si Willie sa Kapuso Network, kasado na ang balak ng GMA-7 na ibalik ang Family Feud bilang weekly game show.

Pero nag-iba ang mga plano nang hindi na mag-renew ng kontrata sa GMA Network, Inc. ang Wowowin host.

Mismong si Dingdong ang nagbigay ng hint tungkol sa kanyang bagong television assignment dahil sa Instagram post niya kahapon, February 23, na may caption na “The stage is set…It’s time to have some Fun!”

Continue reading below ↓

Nag-umpisa na ang taping ng Family Feud na tiyak na madali na para kay Dingdong.

Bukod sa siya ang host ng programa noong 2009, lalong humusay ang kanyang hosting skills at iba na ang level of maturity niya bilang may sariling pamilya na rin siya.

Si Dingdong ang ipinalit kay Richard Gomez, ang original host ng Family Feud, pero iniwan nito ang game show para kumandidatong house representative ng Ormoc City noong May 2010.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dingdong Dantes on return as host of Family Feud: “The stage is set…It’s time to have some Fun!”
PHOTO/S: @dongdantes on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results