Watch Now

Julia Barretto, manggugulat sa Expensive Candy

by Jojo Gabinete
Feb 26, 2022
Julia Barretto and Carlo Aquino in Expensive Candy
Malamang makakuha ng nominations ang performance ni Julia Barretto sa Expensive Candy. Kapareha ni Julia sa pelikulang ito ang magaling na aktor ding si Carlo Aquino.

Taon ni Julia Barretto ang 2022 dahil sa kanyang mga sunud-sunod na project.

Nag-umpisa kahapon, February 25 ang streaming sa Vivamax ng Bahay Na Pula, ang suspense horror movie na pinagbibidahan nila nina Xian Lim at Marco Gumabao.

Sa March 20 naman ang Season World Premiere ng The Seniors, ang series na pinangungunahan nila nina Ella Cruz, Awra Briguela, at ng newcomer na si Andrea Babierra.

Si Julia rin ang lead actress ng Expensive Candy, ang reunion project nila ni Jason Paul Laxamana, ang direktor ng 2019 hit movie na Between Maybes.

Memorable kay Julia ang Between Maybes dahil maganda ang kuwento ng pelikula na unang pagtatambal nila ng kanyang future boyfriend noon na si Gerald Anderson.

Ang closeness nina Jason at Julia na nabuo sa set ng Between Maybes ang aming naisip na dahilan kaya napapayag ang 24-year-old actress na gawin ang mapapangahas na eksena sa Expensive Candy.

Hindi nagkamali si Julia na tanggapin ang project na nagpakita ng kanyang versatility bilang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Base sa aming napanood, ang Expensive Candy ang pinakamaganda sa lahat ng mga pelikula na ginawa ni Julia.

Sigurado na ikagugulat ng publiko ang full transformation ni Julia dahil sa mga linya, pananalita, at pananamit na hindi pa niya nagawa sa kanyang mga nakaraang pelikula.

Buong-husay na nagampanan ni Julia ang role ng isang prostitute na maaaring magbigay sa kanya ng mga acting nomination.

Napakalakas ng screen presence at “nagmumura” ang sex appeal ni Julia sa lahat ng mga eksena nito at matindi ang impact ng kanyang dialogue na, “Because I am special.”

Si Carlo Aquino ang kapareha ni Julia sa Expensive Candy at tulad ng kanyang leading lady, good performance ang ipinamalas niya sa kanilang movie na coming soon.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Malamang makakuha ng nominations ang performance ni Julia Barretto sa Expensive Candy. Kapareha ni Julia sa pelikulang ito ang magaling na aktor ding si Carlo Aquino.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results