Watch Now

Lani Misalucha at Nonoy Zuniga, excited sa US concert tour

by Jojo Gabinete
Feb 26, 2022
Nonoy Zuniga
Lani Misalucha
First time magkakasama sa isang back-to-back US concert tour ang mga OPM veterans na sina Nonoy Zuniga at Lani Misalucha. Ito ay gaganapin mula March 20 hanggang April 9 sa piling concert venues sa California, Las Vegas, Washington, at New Jersey.

“Show ng Medicare” ang pabirong sabi ni Nonoy Zuñiga tungkol sa Timeless Seasons, ang series of concerts nila ni Lani Misalucha sa Amerika na mag-uumpisa sa March 20 sa Saban Theater, Beverly Hills, California.

Lani Misalucha
Nonoy Zuniga

“Nakakatuwa itong show namin kasi ito yung show na masasabi mong show ng Medicare. Andiyan yung seniors at saka persons with disabilities, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang saya, pero malakas pa kami kahit may mga apo,” ang natatawang sabi ni Nonoy na naputulan ng binti noong October 1980 dahil sa sumabog na bomba sa restroom ng Westin Philippine Plaza habang nagpapalit siya ng damit para sa kanyang show sa Siete Pecados bar.

Hindi naging hadlang kay Nonoy ang naranasan na trahedya dahil nagpatuloy ang singing career niya, nakapag-record ng mga hit song at nakalalakad siya nang normal sa tulong ng prosthetic leg.

Ang kawalan ng pandinig ng kanan na tenga ang disability ni Lani dahil nagkaroon siya ng bacterial meningitis noong October 20 at tulad ni Nonoy, hindi niya hinayaan na maging sagabal sa pagkanta ang kanyang kundisyon.

Pabiro rin ang sagot ni Lani nang tanungin ito tungkol sa mga dapat asahan sa Timeless Seasons US concert series nila ni Nonoy.

“Ayun, yung binanggit niya [Nonoy] kanina na it’s going to be a disabled show.

“Siya ang nagbanggit, siya ang nagsabi, hindi ako. Isang bingi at saka alam niyo na. Siguro yung isang props namin, wheelchair,” ang natatawang pahayag ni Lani.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But really honestly, I’m very excited and really grateful to God na somehow, we are slowly getting into the normal way of living. We have full band, back-up singers, this is a full show.

“Somehow, parang nagkakaroon ka ng confidence. Hindi katulad noong 2020 na buong mundo, parang dumilim sa paligid mo na parang… 'what’s happening?'

“Now, you’re seeing light at the end of the tunnel. Sana tuluy-tuloy na ito. This show na first time namin na magkakasama ni Mr. Nonoy Zuniga.”

Sina Louie Reyes at Jed Madela ang special guests nina Lani at Nonoy sa Timeless Seasons na itatanghal din sa Snoqualmie Casino, Seattle Washington (March 26), San Mateo Performing Arts Center, San Mateo California, (April 1), Pala Casino, Pala California (April 2), Alexis Park Resort, Las Vegas (April 3) at Bally Casino Atlantic City, New Jersey (April 9).

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
First time magkakasama sa isang back-to-back US concert tour ang mga OPM veterans na sina Nonoy Zuniga at Lani Misalucha. Ito ay gaganapin mula March 20 hanggang April 9 sa piling concert venues sa California, Las Vegas, Washington, at New Jersey.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results