Watch Now

Mano Po Season 3, pinag-uusapan na ng Regal at GMA-7

by Jojo Gabinete
Mar 9, 2022
Mano Po, GMA-7, Regal Entertainment
Roselle Monteverde (with shawl) on Mother Lily's (in white top) role in Regal Entertainment and GMA-7's collab: "Ang casting, ipinapaalam namin kay Mother. Nagpapakuwento siya tungkol sa istorya, very active pa rin siya." Seen in the right photos are screenshots from the trailer of Mano Po Her Big Boss starring Ken Chan, Bianca Umali, and Kelvin Miranda.

Magsisimula pa lang sa March 14, 2022 ang pilot airing ng Mano Po Legacy: Her Big Boss, ang second season ng Mano Po television series.

Pero pinag-uusapan na ng GMA-7 at ng Regal Entertainment Inc. executives ang Season 3 ng top-rating program ng Kapuso Network.

"I am very, very proud of the cast of Mano Po: The Family Fortune, gandang-ganda ako diyan. Ngayon, hindi ko akalain na may mapagsasama-sama na naman kami ni Roselle sa pangalawa.

"Hopefully, sa third naman, gusto ko magkakasama yung magkakagalit. Gusto kong subukan iyon kaya lang baka maloka kami ni Roselle," pahayag ni Joey Abacan tungkol sa Mano Po.

Si Abacan ang First Vice-President for Program Management ng GMA-7. Ang tinukoy niyang "Roselle" ay si Roselle Monteverde, Regal Entertainment Inc. COO and Vice-President.

Kasama sina Joey at Roselle sa Tuesday afternoon digital media conference ng Mano Po Legacy: Her Big Boss.

Pinangungunahan ito nina Bianca Umali, Teejay Marquez, Kelvin Miranda at Ken Chan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tuwang-tuwa naman si Roselle sa partnership ng Regal at GMA Network Inc. na nagsimula noong 1985 at muling naulit noong 2021 sa panahon ng coronavirus pandemic.

"Very deep na yung partnership namin. Hopefully, as long as they welcome us in their network, we’re always here for them," sabi ni Roselle.

MOTHER LILY ACTIVE IN BRAINSTORMING FOR MANO PO SERIES

May funny anecdote si Roselle tungkol sa kanyang ina, ang Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde.

Nagtaka raw si Mother Lily nang magtapos ang Mano Po Legacy: The Family Fortune sa kabila ng mataas na ratings.

"Lagi niyang inaabangan ang Mano Po. Sabi nga niya, 'Bakit Saturday saka Sunday, wala? Bakit tinapos ang Mano Po 1? Dapat diretso-diretso pa ‘yan.'

Sinabi ko na, 'Siyempre, iba-iba na yung story natin para hindi rin magsawa ang mga tao na isa lang ang napapanood na kuwento. Maiba naman tayo.'

"So ngayon naman, nasa romantic comedy tayo para magpasaya sa atin at saka pampamilya pa rin talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Personal ang pag-aasikaso ni Roselle sa Mano Po production, pero ipinagpapaalam pa rin niya kay Mother Lily ang mga artista na magbibida sa joint project nila ng GMA-7.

"Ang casting, ipinapaalam namin kay Mother. Nagpapakuwento siya tungkol sa istorya, very active pa rin siya.

"Naririnig pa rin niya ang initial story, tapos sinasabi niya na bahala na kayo sa mga susunod na episode. Nabubuo naman ang kuwento na may suggestions pa rin si Mother.

"Mas tinatawagan niya si Joey kesa sa akin," ani Roselle tungkol sa partisipasyon ng kanyang ina sa Mano Po series.

ALTERNATING DIFFERENT GENRES FOR THE SERIES

Ipinaliwanag ni Roselle na kasama talaga sa plano na romantic comedy ang genre na isusunod nila sa Mano Po: The Family Fortune, na heavy drama at tungkol sa family conflicts ang kuwento.

"Even before we made Mano Po: The Family Fortune, nakaplano na talaga na first Mano Po story, parang sa film version, centered sa family ang kuwento, mas drama siya, may mga isyu. Then we shifted to Ako Legal Wife na comedy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Parang ganoon din ang path na naisip namin na gawin sa Mano Po television series, drama then romantic comedy," paliwanag ni Roselle.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Roselle Monteverde (with shawl) on Mother Lily's (in white top) role in Regal Entertainment and GMA-7's collab: "Ang casting, ipinapaalam namin kay Mother. Nagpapakuwento siya tungkol sa istorya, very active pa rin siya." Seen in the right photos are screenshots from the trailer of Mano Po Her Big Boss starring Ken Chan, Bianca Umali, and Kelvin Miranda.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results