Ken Chan, nanibago sa bagong leading lady na si Bianca Umali

by Jojo Gabinete
Mar 10, 2022
bianca umali, ken chan
Ken Chan on Her Big Boss leading lady Bianca Umali: "Sobrang happy ako na after three years na nag-stay ako sa isang love team, si Bianca ang nakapareha ko. Malaking tulong siya sa akin, lagi niya akong binibigyan ng advise, kasi nanggaling din siya sa isang love team."
PHOTO/S: @akosikenchan on Instagram

Nakakaramdam ng paninibago si Ken Chan dahil makalipas ang tatlong taon, si Bianca Umali at hindi ang kanyang perennial partner na si Rita Daniela ang love interest niya sa Her Big Boss.

Ang Her Big Boss ang second installment ng Mano Po Legacy, ang primetime series na joint venture ng GMA Network at ng Regal Entertainment, Inc.

Para kay Ken, malaki ang naitulong sa kanya ni Bianca nang magsama sila sa Her Big Boss kaya masaya siya.

“Sobrang happy ako na after three years na nag-stay ako sa isang love team, si Bianca ang nakapareha ko.

“Malaking tulong siya sa akin, lagi niya akong binibigyan ng advise, kasi nanggaling din siya sa isang love team.

“After ng love team niya, gumawa siya ng iba’t ibang teleserye na iba’t iba rin ang kapartner niya so nagbigay siya sa akin ng advise,” pahayag ni Ken sa nakaraang media launch ng Her Big Boss.

Continue reading below ↓

Nang tanungin tungkol sa payo na ibinigay sa kanya ni Bianca, “mas healthier kapag hindi ka na-stick sa isang love team” ang sagot ni Ken.

Bukod sa nakakapareha at nakakatrabaho nila ang iba’t ibang mga aktor at aktres, hindi nalilimitahan ang mga proyekto at role na ibinibigay sa kanila, na isa umano sa mga kagandahan kapag "nakalabas" sila mula sa love team.

Sinabi ni Ken na hindi siya nahirapan sa set ng Her Big Boss dahil nasubukan na niya noong mag-taping para sa ibang mga programa ng Kapuso Network sa panahon ng coronavirus pandemic.

“Walang masyadong adjustments sa taping na 'to. Unang-una sa lahat, bago namin gawin yung Her Big Boss, nakagawa na kami ng mga teleserye during the pandemic.

“Kumbaga, doon na kami nakapag-adjust. So, sa Her Big Boss, alam na namin kung ano yung mga dapat isaalang-alang, mga gamit na dalhin at kung ano yung mga kailangan na gawin para sa safety protocols which is napaka-safe naman talaga sa set namin,” kuwento ni Ken.

Continue reading below ↓

Nakahanap daw ang Kapuso actor ng bagong pamilya sa mga kasamahan niya sa Her Big Boss.

“Kapag napanood niyo ang serye na 'to, makikita niyo yung saya at ningning sa mga mata ng bawat characters dahil family ang turingan namin sa isa’t isa.

“Sabay-sabay kami na kumakain, nagtutugtugan, nagkakantahan. Laging busog sa set dahil si Bianca saka si Mamang [Pokwang] laging may dalang pagkain…”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ken Chan on Her Big Boss leading lady Bianca Umali: "Sobrang happy ako na after three years na nag-stay ako sa isang love team, si Bianca ang nakapareha ko. Malaking tulong siya sa akin, lagi niya akong binibigyan ng advise, kasi nanggaling din siya sa isang love team."
PHOTO/S: @akosikenchan on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results