Kelvin Miranda, di nagsisising tumigil sa pag-aaral para sa showbiz

by Jojo Gabinete
Mar 13, 2022
kelvin miranda
Kelvin Miranda on being part of Mano Po Legacy: Her Big Boss: "Nakakataba ng puso dahil bukod sa panibagong blessing, oportunidad ito para maibahagi ko na naman sa mga Kapuso at mga tagasuporta ang aking kakayahan sa pagganap."
PHOTO/S: @iamkelvinmiranda on Instagram

Hindi pinagsisisihan ni Kelvin Miranda ang paghinto sa pag-aaral para mabigyan ng katuparan ang pangarap niyang maging aktor.

Aniya, “Kung huminto man ako sa pag-aaral, wala akong pinagsisisihan dahil malaking parte sa buhay ko kung nasaan man ako ngayon.

“Sobrang thankful and grateful ko. Binago ng showbiz ang mga karanasan ko at ang buhay namin ng pamilya ko.

“Pero kung may chance naman, ipagpapatuloy ko pa rin ang pag-aaral at hindi ko ikahihiya na ipagpatuloy ang pag-aaral, kahit matanda na ako.”

Isang malaking karangalan at biyaya naman para kay Kelvin na napili siya bilang isa sa mga kapareha ni Bianca Umali sa Her Big Boss.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Her Big Boss ang second installment ng Mano Po Legacy, ang top-rating series ng GMA-7 at Regal Entertainment, Inc.

Maliit na bata pa si Kelvin nang marinig niya ang tungkol sa Mano Po dahil pinag-uusapan ito ng kanyang mga kamag-anak at kakilala. Pamilyar siya sa movie franchise ng Regal Films na umani noon ng mga parangal at papuri mula sa mga award-giving body at film critics.

Nakakataba ng puso dahil bukod sa panibagong blessing, oportunidad ito para maibahagi ko na naman sa mga Kapuso at mga tagasuporta ang aking kakayahan sa pagganap.

“First time din po na gagawa ng Mano Po na romantic comedy ang genre kaya hindi sobrang seryoso at kabigat ang story,” pahayag ni Kelvin tungkol sa partisipasyon niya sa Mano Po Legacy: Her Big Boss.

Sinabi ng Kapuso heartthrob na malaking tulong ang pakikipag-usap niya sa mga tao na nakakatanda sa kanya sa paghahanda para sa karakter na ipinagkatiwala ng GMA-7 at Regal Entertainment Inc.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Kelvin, “Nabuksan yung kamalayan ko para sa mga taong hindi ko pa nakakasalamuha at pagiging laging bukas ng isip dahil malaking bagay ito para sa paghahanda ko sa karakter na ginagampanan ko.

“Hindi ko makakalimutan ang mga eksenang magkasama kami ni Ken Chan. Sobrang kuwela rin kasi niya.

“Bago mag-take, talagang ang dami niyang kuwento at kakulitan sa katawan. May eksena kami na magtitinginan, kahit walang nakakatawa at seryoso ang eksena, hindi ko mapigilan ang matawa dahil naaalaala ko ang lahat ng mga kulitan namin, lalo na ang facial expressions ni Ken.

“Sa totoo lang, dikit [magkaibigan] naman kaming lahat, pero close talaga ako kina Ken at Bianca dahil kaming tatlo ang madalas na nakakapag-usap at magkakasabay na kumain. Sa kanila mas napalagay ang loob ko.”

Kahit isa siya sa mga bida sa Her Big Boss, hindi nakakalimutan ni Kelvin na ang The Lost Recipe ang TV series na nagpabago nang malaki sa buhay at sa showbiz career niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang The Lost Recipe ang nagpabago sa karera ko sa television world.

“Malaki ang pasasalamat ko dahil binigyan nila ako ng tiwala at pagkakataon para bigyang-buhay ang karakter ko na bumubuo sa istorya,” giit ni Kelvin.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kelvin Miranda on being part of Mano Po Legacy: Her Big Boss: "Nakakataba ng puso dahil bukod sa panibagong blessing, oportunidad ito para maibahagi ko na naman sa mga Kapuso at mga tagasuporta ang aking kakayahan sa pagganap."
PHOTO/S: @iamkelvinmiranda on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results