Benjamin Alves, namangha sa batas tungkol sa crime of passion para sa extramarital affairs

by Jojo Gabinete
Mar 15, 2022
Benjamin Alves, Artikulo 247, Rhian Ramos, Kris Bernal
Sa kuwento ng Artikulo 247, si Benjamin Alves (left) ang lalaking makikilala ni Rhian Ramos (upper right) sa panahong susubukan niyang magsimula ng bagong buhay matapos ang trahedya sa kanyang buhay. Pero sa di inaasahang pagkakataon ay muling magkukrus ang landas nina Rhian at Kris Bernal (lower right) na hindi tatantanan ng mapait nilang nakaraan.
PHOTO/S: Artikulo 247

Nagsimula noong March 7, 2022 ang airing sa GMA-7 ng afternoon drama series na Artikulo 247, pero hindi pa napapanood si Benjamin Alves.

May paliwanag siya tungkol sa mga nag-aabang sa paglabas ni Noah Borromeo, ang karakter na ginagampanan niya.

"In-establish muna yung tension sa pagitan ng mga karakter ng dalawang babae," tukoy niya sa roles nina Rhian Ramos at Kris Bernal.

"Kahit si Mark Herras, wala pa sa first week. Talagang in-establish yung foundation ng Artikulo 247.

"Kasi nag-revolve yung kaso na yun around the two girls na mangyayari rin sa bandang gitna, even to the very end ng show, sa pamilya naman namin ni Mark.

"But on the second week, they’re concluding that. So, kumbaga sa movie, ito yung first half. So, pagdating ng Week 2, kasama na kami," paglilinaw ni Benjamin.

Ang premise ng kuwento ay napatay ni Klaire (Kris) ang asawa niyang si Alfred (Jome Silayan) nang mahuli niya sa aktong may sekswal na namamagitan sa pagitan nito at ni Jane (Rhian).

Continue reading below ↓

Read: How did Artikulo 247 pilot episode fare in the ratings game?

Makikilala ni Jane si Noah sa panahong susubukan niyang magsimula ng bagong buhay matapos ang pinagdaanang trahedya.

Kapatid ni Noah si Elijah (Mark Herras), na iibig naman kay Klaire.

Rhian Ramos, Benjamin Alves, Artikulo 247

DAPAT BANG I-ABOLISH ANG ARTICLE 247?

Inamin ng Kapuso actor na hindi siya pamilyar sa Article 247 ng Revised Penal Code na may kinalaman sa crime of passion para sa asawang nahuling may kalaguyo.

Continue reading below ↓

Nakasaad sa probisyon: "Any legally married person who having surprised his spouse in the act of committing sexual intercourse with another person, shall kill any of them or both of them in the act or immediately thereafter, or shall inflict upon them any serious physical injury, shall suffer the penalty of destierro."

Ang destierro ay correctional penalty ng pagkakulong mula anim na buwan at isang araw hanggang anim na taon.

"Sa kabobohan ko, akala ko 24 hours 7 days buong araw na maipalalabas, parang ganoon," natawang kuwento ni Benjamin tungkol sa unang reaksyon niya nang malamang Artikulo 247 ang pamagat ng kanyang bagong proyekto sa GMA-7.

"They briefed us, 'Ah, may ganoon pala tayong law.' Very intriguing, very controversial yung law na yun.

"Ngayon lang yata gumawa ng show revolving about that, Article 247. I think it’s nice because makikita yung kanya-kanyang opinyon at comments kung tama ba itong batas na ito, or tama ba na i-abolish? Dapat ba narito pa rin ang batas na ‘yan?

Continue reading below ↓

"So, we’re all really looking forward to the comments and reactions of the people."

Read: Benjamin Alves replaces Rocco Nacino in upcoming GMA-7 series, Artikulo 247

PROS AND CONS OF LOCK-IN TAPING

Tumagal ng anim na linggo ang second cycle ng lock-in taping ni Benjamin para sa Artikulo 247.

Unang naranasan ni Benjamin ang lock-in taping sa Owe My Love noong nakaraang taon bilang pag-iingat laban sa coronavirus pandemic.

Kaya nasabi niyang, economy-wise, pabor sa kanya ang mga lock-in taping pero payag siyang ibalik sa normal o dating gawi ang pagtatrabaho.

"Economy-wise, mas makakaipon ka sa lock-in taping because you’re not going anywhere. Gas pa lang, especially now, yung presyo ng gas napakataas, so it’s easier that way. You get to focus on the job.

"But the fact that you’re away for six weeks, including the quarantine, parang ang tagal mawala. You can’t have visitors as well.

"I dunno what’s gonna happen on the second half of the year, but if they did say na babalik tayo sa normal taping, parang I’m open to it."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kuwento ng Artikulo 247, si Benjamin Alves (left) ang lalaking makikilala ni Rhian Ramos (upper right) sa panahong susubukan niyang magsimula ng bagong buhay matapos ang trahedya sa kanyang buhay. Pero sa di inaasahang pagkakataon ay muling magkukrus ang landas nina Rhian at Kris Bernal (lower right) na hindi tatantanan ng mapait nilang nakaraan.
PHOTO/S: Artikulo 247
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results