Bayani Agbayani, "siniraan" ang kasamang judges at host sa Masked Singer Pilipinas

by Jojo Gabinete
Mar 15, 2022
bayani agbayani masked singer pilipinas
Bayani Agbayani on joining panel of judge detectives in Masked Singer Pilipinas: “Sobrang taas [ng ratings] ng Season 1. Ang lagi kong dinarasal gabi-gabi, sana mahigitan ng Season 2 ang mataas na ratings ng Season 1.”
PHOTO/S: Facebook

Si Bayani Agbayani ang bagong miyembro ng Masked Singer Pilipinas.

Isa siya sa makakasama nina Aga Muhlach, Kim Molina, Matteo Guidicelli, at Cristine Reyes bilang mga judge detective sa Season 2 ng reality singing competition ng TV5 at Viva Television.

Mapapanood ang Season 2 ng Masked Singer Pilipinas simula sa darating na Sabado, March 19, 2022.

Ang Season 1 ng Masked Singer Pilipinas ang isa sa mga top-rating program ng Kapatid Network sa kasagsagan ng coronavirus pandemic noong 2020.

Ipinagdarasal ni Bayani na tangkilikin ng manonood ang Season 2 para magkaroon din ito ng mataas na ratings dahil kasama na nga siya sa nabanggit na television show.

“Tuwang-tuwa ako na makasama sa Season 2 ng Masked Singer Pilipinas dahil napakagagaling na artista... Hindi lang ito basta judge detectives lahat. Ito ay magagaling na artista.

"At baka ako pa ang maging dahilan kung ano pa ang maging rating nito kaya kailangan, Lord, mas pataasin mo kesa sa Season 1.

Continue reading below ↓

“Sobrang taas [ng ratings] ng Season 1. Ang lagi kong dinarasal gabi-gabi, sana mahigitan ng Season 2 ang mataas na ratings ng Season 1,” pahayag ni Bayani.

Hindi nahirapang mag-adjust ang komedyante sa kanyang bagong responsibilidad bilang judge detective ng Season 2 dahil matagal na silang magkakakilala at magkakaibigan nina Aga, Cristine, Kim, Matteo, at ng host na si Billy Crawford.

Kuwento ni Bayani, “Si Cristine, kilala ko na. Si Kim, si Matteo, nakakasama ko na rin kahit papaano sa ABS-CBN.

"Si Kuya Aga, kapatid ko ‘yan. Si Billy naman, kasama ko sa Lunch Out Loud.

"Medyo tiningnan ko lang muna kung papaano yung rapport nila. E, nung makita ko na bonded na sila, sabi ko hindi na ako mahihirapan.

“Hindi naman ako masyadong nahirapan dahil katabi ko si Kuya Aga. Nagtatanung-tanong ako sa kanya ng mga bagay-bagay tungkol sa love life… mga ganoon…

“Sinabi niya sa akin yung mga history ng bawat isa, na si Matteo, tahimik lang pero deadly.

Continue reading below ↓

"Si Kim, feeling alam niya yung lahat, pero mahina ang utak... mga ganoon ang sinasabi niya.

"Si Cristine, maganda pero pikon, bully. Si Kuya Aga, kilala ko na.

"Si Billy naman, self-centered," seryosong sabi ni Bayani, pero mahahalatang ginamitan nito ng deadpan humor ang kanyang mga pananalita kaya nagtawanan ang mga kasamahan niyang judge detective.

Isang hamon para kay Bayani ang pagiging judge detective ng Season 2 ng Masked Singer Pilipinas dahil labing-anim (16) ang kalahok na celebrity singers, na mas marami kung ikukumpara sa labindalawang (12) contestants ng Season 1.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bayani Agbayani on joining panel of judge detectives in Masked Singer Pilipinas: “Sobrang taas [ng ratings] ng Season 1. Ang lagi kong dinarasal gabi-gabi, sana mahigitan ng Season 2 ang mataas na ratings ng Season 1.”
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results