Empleyado ng convenience store na binanggit ni Valentine Rosales, walang alam sa tumbler incident

by Jojo Gabinete
Mar 16, 2022
valentine rosales 7/11
Isang empleyado ng convenience store na tinukoy sa post ni Valentine Rosales ang tinanong ng Cabinet Files tungkol sa napaulat na tumbler incident. Alamin ang kanyang sagot dito...
PHOTO/S: @valentinesrls on Instagram / Jojo Gabinete

Totoo ang sinabi ni Valentine Rosales na may branch ng 7/11 convenience store sa STG Building sa kanto ng P. Tuazon Boulevard at 10th Avenue sa Barangay Socorro, Cubao, Quezon City.

Personal na pinuntahan at kinunan ng Cabinet Files ng mga litrato ang P.Tuazon branch ng 7/11 ngayong Miyerkules ng gabi, 7:40 p.m., March 16, 2022.

Katabi ito ng United Coconut Planters Bank na nasa likod ng SM Cubao na katabi naman ng Ali Mall.

7-eleven p. tuazon

Continue reading below ↓

Ang 7/11 P. Tuazon branch ang sinabi ni Valentine na pinangyarihan ng insidente na kanyang nasaksihan—ang pagkuha ng isang lalake ng tumbler na may mukha ni presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.

Ang pakilala ni Valentine ay supporter siya ni presidential contender at Vice President Leni Robredo.

Ipinagmalaki niyang bumili siya ng tumbler ng kandidato na kanyang sinusuportahan at binayaran din niya ang BBM tumbler na “ninakaw” ng hindi nakilalang lalake.

Kaliwa’t kanan ang batikos na tinanggap ni Valentine dahil sa kanyang original social media post noong March 13, 2022.

Dito ay sinabi niyang nangyari ang insidente sa "Ali Mall branch ng 7/11," pero may mga nagprotesta dahil matagal nang sarado ang naturang sangay ng convenience store.

Sa edited post ni Valentine, "7/11 near Ali Mall Cubao Branch sa may UCPB katapat ng SM Super Market" ang kanyang inilagay.

Pero pinagdudahan na ang kanyang kredibilidad dahil mismong ang mga kasamahan sa Christine Dacera case na sina JP de Serna at Rommel Galido ang nagsabing "famewhore" siya.

Continue reading below ↓

Read: JP dela Serna, Rommel Galido call out Valentine Rosales for fabricating a story for clout: "Cheap mo girl..."

Uulitin namin, totoo ang pahayag ni Valentine na may 7/11 branch sa tabi ng UCPB. Pero kailangan at importanteng maglabas siya ng mga matitibay na ebidensiya para mawala ang mga pagdududa sa kanya.

Iba kasi ang sinabi ng empleyado ng convenience store na kinausap ng Cabinet Files tungkol sa sinasabing insidente.

“Wala ho kaming alam. Walang ganyang kuwento,” sagot ng 7/11 male employee na tinanong namin tungkol sa kuwento ni Valentine.

Alam ng empleyado ang isyung kinasasangkutan ni Valentine dahil idinagdag niya na, “Sabi niya po, sa Ali Mall yun nangyari.”

Kung may pagpapahalaga si Valentine sa kanyang kredibilidad at para maisalba ang sarili sa mga paratang na sinungaling siya, isa lang ang nararapat niyang gawin.

Dapat hilingin ni Valentine sa management ng 7/11 na bigyan siya ng kopya ng CCTV footage ng araw at oras na pinuntahan niya ang P. Tuazon branch ng convenience store.

Continue reading below ↓

Kung magagawa ni Valentine na humingi ng kopya ng CCTV footage at mapatutunayang totoo ang kanyang mga kuwento, tiyak na vindicated siya at mapapahiya ang detractors niya.

May posibilidad ding mahuli ang sinasabi niyang lalakeng basta na lamang kumuha ng BBM tumbler na bahagi ng 7-Election 2022 Speak Cup promo ng 7/11.

Pagkatapos puntahan ang 7/11 P. Tuazon branch at makipag-usap sa isang tauhan, sinadya namin ang 7/11 branch sa Ali Mall na matagal nang sarado.

Ang ladyguard sa P.Tuazon Boulevard entrance ng Ali Mall ang nagkumpirmang matagal nang isinara ang 7/11 branch.

7-eleven ali mall

Continue reading below ↓

Ikinuwento ng ladyguard na maraming mga taong pumupunta sa nagsarang 7/11 Ali Mall branch at nagtatanong sa kanya dahil sa kuwento ni Valentine.

“Bukas-sarado ho ang branch na ‘yan noong pandemya hanggang sa tuluyan nang nagsara. Kung hindi ho ako nagkakamali, halos isang taon nang sarado ‘yan,” sabi ng ladyguard na aming nakausap.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang empleyado ng convenience store na tinukoy sa post ni Valentine Rosales ang tinanong ng Cabinet Files tungkol sa napaulat na tumbler incident. Alamin ang kanyang sagot dito...
PHOTO/S: @valentinesrls on Instagram / Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results