Watch Now

Dating marijuana issue ni Kit Thompson, nabuhay dahil sa bagong kinasasangkutang isyu

by Jojo Gabinete
Mar 18, 2022
kit thompson marijuana issue
Tagaytay City Police Chief P/Lt. Col. Rolando Baula on actor Kit Thompson: "Talagang hindi natin ito-tolerate yung mga ganitong gawain kasi, unang-una, wala naman talagang kalaban-laban ang babae pagdating sa strength ng lalake. So, napaka-unfair naman kung hindi natin ito bibigyan ng justice.”
PHOTO/S: @kitthompson on Instagram

Ang mabigat na paratang na sinaktan ni Kit Thompson ang kanyang girlfriend na si Ana Jalandoni sa kuwarto ng isang hotel sa Tagaytay City ang dahilan kaya muling naungkat ang kasong kinasangkutan ng aktor noong February 2014.

Labimpitong (17) taon o menor de edad pa lamang si Kit nang arestuhin siya at ang kanyang mga kasama ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA ) dahil nahuli umano silang gumagamit ng marijuana sa 7107 International Music Festival.

Ginanap ang music festival sa Clark Freeport Zone sa Clark, Pampanga noong February 23 hanggang February 24, 2014.

Dahil menor de edad pa si Kit noon, hindi siya pinangalanan ni PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac.

Pero kinumpirma nitong teen actor na napapanood sa TV series na Galema at produkto ng isang reality show ang inaresto nila at dinala sa Department of Social Welfare Development sa San Fernando, Pampanga.

Read: Kapamilya young actor, three others nabbed for smoking marijuana at 7107 International Music Festival

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa interbyu kay Kit sa press conference ng isang pelikula noong August 2018, umamin at nagkuwento siya tungkol sa pagkakaaresto sa kanya noong February 2014 dahil sa paggamit ng marijuana, kasunod ang pangakong hindi na niya uulitin ang nagawang pagkakamali.

“Lesson… marijuana... huwag ‘yan! Si Duterte, nakikinig.

"Feeling free, I guess. Alam mo naman, siyempre bata pa, e. Growing up. Learning from your mistake,” bahagi ng pahayag ni Kit sa panayam sa kanya noong 2018.

Read: Kit Thompson reflects on past marijuana use

Ngayong Biyernes, March 18, 2022, humarap sa mga miyembro ng media si Tagaytay City Police Chief P/Lt. Col. Rolando Baula.

Nagsalita siya tungkol sa akusasyon laban sa 25-year-old actor na nakakulong sa kasalukuyan sa detention cell ng Tagaytay City.

Nagbitaw ng salita si Baula na hindi dapat palampasin ang ginawa ni Kit.

Aniya, "Talagang hindi natin ito-tolerate yung mga ganitong gawain kasi, unang-una, wala naman talagang kalaban-laban ang babae pagdating sa strength ng lalake. So, napaka-unfair naman kung hindi natin ito bibigyan ng justice.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tagaytay City Police Chief P/Lt. Col. Rolando Baula on actor Kit Thompson: "Talagang hindi natin ito-tolerate yung mga ganitong gawain kasi, unang-una, wala naman talagang kalaban-laban ang babae pagdating sa strength ng lalake. So, napaka-unfair naman kung hindi natin ito bibigyan ng justice.”
PHOTO/S: @kitthompson on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results