Cristine Reyes, humirit na "bait-baitan" lang noon ang mga kasamahan sa Masked Singer Pilipinas

by Jojo Gabinete
Mar 18, 2022
Cristine Reyes, Masked Singer Pilipinas
Cristine Reyes (red dress on left photo and white dress on right photo), nagpakatotoo sa mga katrabaho sa TV5 show na Masked Singer Pilipinas. Host ng show si Billy Crawford (lower right), at kapwa judges ni Cristine sina Aga Muhlach (in suit), Kim Molina (red cutout dress), at Matteo Guidicelli (in long-sleeved top).
PHOTO/S: @cristinereyes Instagram

Pinagpala ang pakiramdam nina Cristine Reyes, Matteo Guidicelli, at Billy Crawford dahil parte sila ng Masked Singer Pilipinas, ang Philippine edition ng Korean reality franchise na Masked Singer.

Magbabalik ang Masked Singer Pilipinas sa TV5, at mapapanood simula bukas, Sabado, March 19, 2022.

Si Billy ang host, at sina Cristine at Matteo ang dalawa sa limang judge detectives ng Season 2 ng Masked Singer Pilipinas.

Ikinuwento ni Cristine sa recent media conference ng kanilang show na naaaliw siya sa panonood sa performances ng labing-anim (16) na celebrity contestants.

Natuwa rin siyang makatrabaho ang mga judge detective dahil kilalang-kilala na nila ang ugali ng isa’t isa.

"Pinaka-enjoy ko yung nanonood talaga ako sa mga performer na para silang nagko-concert. Ang galing nilang lahat.

"Yun ang pinaka na-enjoy ko, saka yung kasama ko lahat ng judge detectives, of course si Billy.

"Hindi lang kami, pati yung staff and crew. Lahat kami, well-bonded na ngayong Season 2.

Continue reading below ↓

"Noon kasi nagpe-pretend kami na mabait kami sa isa’t isa.

"Ngayong Season 2, hindi na namin maitago yung mga totoong ugali namin so lumabas na," pagtatapat ni Cristine.

Una nang humirit si Bayani tungkol sa mga pag-uugaling natuklasan niya sa mga kasamahang judges sa Masked Singer Pilipinas.

Read: Bayani Agbayani, "siniraan" ang kasamang judges at host sa Masked Singer Pilipinas

Sa parte ni Matteo, gumamit siya ng mabubulaklak na salita nang purihin niya ang kanyang mga kasama.

"Ang gagaling ng performers natin, pero I have to say also, on a very serious note, napakagaling ng mga judge detective, especially sina Madam Cristine Reyes, Miss Kim Molina, Bayani Agbayani, Aga Muhlach...

"And we have one of the best hosts, Billy Crawford, so I’m very, very honored and privileged to be surrounded by such magical people."

Hiling naman ni Billy, sana ay magtuluy-tuloy ang pag-ere ng Masked Singer Pilipinas dahil napamahal na sa kanya ang kanilang programa at ang mga kasamahan niya.

Continue reading below ↓

"Ako bilang host, sana lahat ng judges sa lahat ng competitions, ganito katrabaho.

"Para sa aming mga host, parang hindi na kami nagtatrabaho. Kung may kailangan man sumalo or kailangan man gumabay, pantay-pantay kaming lahat.

"I’m really thankful, I’m really blessed na I’m part of Masked Singer Pilipinas.

"We’re really excited na sana hindi mawala. Sana tuluy-tuloy lang ito because we really, really enjoy working together," ani Billy.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cristine Reyes (red dress on left photo and white dress on right photo), nagpakatotoo sa mga katrabaho sa TV5 show na Masked Singer Pilipinas. Host ng show si Billy Crawford (lower right), at kapwa judges ni Cristine sina Aga Muhlach (in suit), Kim Molina (red cutout dress), at Matteo Guidicelli (in long-sleeved top).
PHOTO/S: @cristinereyes Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results