Ana Jalandoni, hindi muna magpapa-interview pero maglalabas ng opisyal na pahayag

by Jojo Gabinete
Mar 19, 2022
Ana Jalandoni from instagram
Inihahanda na ng legal counsel ni Ana Jalandoni ang opisyal na pahayag nito habang nagpapagaling pa mula sa mga sugat at bugbog.
PHOTO/S: @realanajalandoni Instagram

Inihahanda na ng legal counsel ni Ana Jalandoni ang opisyal na pahayag nito tungkol sa mga tunay na nangyari sa loob ng kuwarto ng Amega Hotel sa Tagaytay City na pinangyarihan ng diumano’y pananakit sa sexy star ng boyfriend nitong si Kit Thompson.

Inaasahang lalabas sa lalong madaling panahon ang pahayag ni Ana na hindi na muna magpapa-interview sa mga miyembro ng media para magpalakas at magpagaling mula sa mga sugat at pasa na tinamo sa insidenteng naganap noong March 17 at March 18, 2022.

Pinayuhan din si Ana ng mga nagmamalasakit sa kanya na magpasuri muli sa ibang ospital kapag nakabalik na sa Metro Manila.

Ito'y para makatiyak daw na walang matinding pinsala na idinulot sa katawan ang inireklamo niyang pisikal na pananakit umano ni Kit.

Patuloy na bumubuhos ang mga simpatiya at suporta kay Ana sa pamamagitan ng mga mensahe na natatanggap mula sa mga taong kumokondena sa nangyari sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Trending naman hanggang ngayon sa social media ang pangalan ni Kit dahil sa kontrobersya na kinasasangkutan nila ni Ana, na nangyari pa sa National Women’s Month.

Ang Instagram account ni Kit ang napagbalingan ng netizens para ibuhos ang kanilang poot sa 25-year-old actor dahil sa ginawa nito sa karelasyon.

Damay sa paghihimagsik ng netizens ang supporters ni Kit na ipinagtatanggol ang aktor, sa kabila ng pagkalat ng mga larawan ni Ana na nagpapakita sa bugbog-sarado nitong mukha at mga pasa sa katawan.

Desidido ang sexy star na sampahan ng kaso ang kanyang boyfriend.

Ang Kit Thompson-Ana Jalandoni incident ang pinakamalaking isyu sa showbiz sa linggong ito.

Nagsimula ito kahapon, March 18, nang makatanggap ng 911 call nung 6:29 am ang Tagaytay City Police tungkol sa isang babaeng biktima ng pambubugbog.

Agad na pinuntahan ng Tagaytay City Police ang Amega Hotel para iligtas ang biktima at mabilis na kumalat ang balita nang makumpirma na showbiz personalities ang sangkot sa naganap na eskandalo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inihahanda na ng legal counsel ni Ana Jalandoni ang opisyal na pahayag nito habang nagpapagaling pa mula sa mga sugat at bugbog.
PHOTO/S: @realanajalandoni Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results