The Clash alumna Miriam Manalo, nangangailangan ng pinansiyal na tulong para sa anak na may rare disease

by Jojo Gabinete
Mar 21, 2022
miriam manalo
Miriam Manalo: “Isama nyo po si Lilah Emilia Al Raee sa inyong mga dasal na kanyang malagpasan ang pagsubok na ito sa kanya at kumakatok din po kami sa inyo para matulungan n’yo po si baby sa hospital bills. Kahit konting donation lang po for Baby Emilia kasi hindi ko na po talaga alam kung saan pa po ako huhugot ng pambayad para kay baby, kasalukuyan po s’ya ngayon ay nasa ICU."
PHOTO/S: Facebook

Mabilis na tumugon sa panawagan ni Miriam Manalo ang isa sa mga hurado ng The Clash na nangakong magpapadala ng tulong sa alumna ng Season 1 ng reality singing competition ng GMA-7.

May matinding pagsubok na pinagdaraanan ngayon si Miriam dahil may karamdamang Spinal Muscular Atrophy (SMA) ang one-year-old daughter niyang si Lilah Emilia.

Panghihina ng skeletal muscles ang isa sa mga epekto ng SMA, isang genetic neuromuscular illness, at napakalaking halaga ng pera ang kailangan para sa pagpapagamot.

Napakabigat para sa kalooban ni Miriam na SMA ang sakit ng kanyang anak na bunso dahil iyon din ang naging karamdaman ng panganay niyang si Layla Elleina, na binawian ng buhay sa edad na walong buwan noong October 8, 2019.

Continue reading below ↓

Facebook post ni Miriam kahapon, March 20, 2022: “Nothing is more painful than this! Andito na naman ako sa situation na ganito’ laging super hirap na pagsubok ang binibigay sakin, grabe na talaga! I don’t know if I can still take this, di ko na yata talaga kakayanin ito.

“But I’m not a quitter. Alam kong kakayanin ng anak ko ito lalaban s’ya at di s’ya pababayaan ng Diyos. Proud ako sa baby ko na ito, napaka-brave n’ya talaga kaya hinding-hindi ko siya susukuan.

“Isama nyo po si Lilah Emilia Al Raee sa inyong mga dasal na kanyang malagpasan ang pagsubok na ito sa kanya at kumakatok din po kami sa inyo para matulungan n’yo po si baby sa hospital bills.

“Kahit konting donation lang po for Baby Emilia kasi hindi ko na po talaga alam kung saan pa po ako huhugot ng pambayad para kay baby, kasalukuyan po s’ya ngayon ay nasa ICU.

Continue reading below ↓

“To my Emilia, magpagaling ka na baby ko! Mahal na mahal ka ni mommy! Miss na miss ko na ‘yung boses mo!"

Bukod sa mga panalangin at hiling na financial help para kay Emilia, may donation drive si Miriam at ang kanyang asawa na si Khalid Maher Al Raee sa GoFundMe crowdfunding platform.

Kailangan nilang makalikom ng US$400,000 hanggang US$2.5 million para maipagamot sa Amerika ang kanilang anak.

“Please help our family raise the funding needed for Lilah’s immediate treatment and associated travel expenses. There are few treatments for this illness such as Zolgensma, Sprinraza, and Evrysdi but unfortunately not available in our country, the Philippines. We still need to bring our daughter to the US for treatment. The treatment alone already costs millions of dollars.

“We are so heartbroken but as parents who have already lost a child, we don’t want to lose another one. We trust and believe that God will help us and provide us a miracle through the help of your donations as well.

Continue reading below ↓

“We are trying to raise $2.5 million for Lilah's rare medical condition, so any help you can give will go a long way.

“We know how hard we’re all coping because of the pandemic, but if you're able to spare some extra funds, please help our daughter to survive,” bahagi ng apela nina Miriam at Khalid sa GoFundMe para sa mga taong may mabubuting kalooban.

Sa mga nagnanais makatulong sa pamilya nina Miriam at Khalid, maaaring ipadala ang inyong mga tulong pinansiyal sa Gcash account ni Miriam na 09454731594.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miriam Manalo: “Isama nyo po si Lilah Emilia Al Raee sa inyong mga dasal na kanyang malagpasan ang pagsubok na ito sa kanya at kumakatok din po kami sa inyo para matulungan n’yo po si baby sa hospital bills. Kahit konting donation lang po for Baby Emilia kasi hindi ko na po talaga alam kung saan pa po ako huhugot ng pambayad para kay baby, kasalukuyan po s’ya ngayon ay nasa ICU."
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results