Newcomer Blue Cailles, ipinangalan sa karakter ni Dingdong Dantes sa T.G.I.S.

by Jojo Gabinete
Mar 24, 2022
blue cailles dingdong dantes
Newcomer Blue Cailles gets to meet Dingdong Dantes in Family Feud. Blue's mom is an avid fan of the Kapuso actor-host and even gave Blue a nickname after Dingdong's character in T.G.I.S.
PHOTO/S: @bluecailles on Instagram

Hindi pinalampas ni Blue Cailles ang pagkakataon nang maging contestant siya ng Family Feud.

Naglakas-loob siyang humingi ng video greeting mula kay Dingdong Dantes para sa kanyang inang avid fan ng host ng Kapuso game show.

Kristian ang tunay na pangalan ng newcomer actor pero Iñaki ang palayaw niya.

Iñaki ang pangalan ng karakter ni Dingdong sa T.G.I.S., ang popular youth-oriented show ng GMA-7 at Viva Television na napanood mula noong August 1995 hanggang November 1999.

Natuwa si Dingdong nang malaman nitong kagustuhan ng nanay ni Blue na bigyan ito ng palayaw na Iñaki dahil sa sobrang paghanga sa kanya.

“Ngayon ko lang nalaman na Iñaki rin pala ang pangalan ni Blue. Sobrang nakakatuwang malaman.

“I really love that name, very, very close to my heart, special character, kasi yun ang unang-unang ginawa ko [na TV series] dito sa GMA-7.

“In fact, siguro kapag nagkaroon ako ng next boy, baka Iñaki rin. Sobrang astig, I’m super happy to know that.

Continue reading below ↓

"From now on, I’m gonna call you Iñaki," sabi ni Dingdong sa 21-year-old aspiring actor, na masayang-masaya dahil nakaharap niya nang personal ang showbiz personality na iniidolo ng kanyang ina.

REGAL BABY

Unang napanood si Blue sa Regal Studio Presents at mainstay siya sa second installment ng Mano Po Legacy, ang Her Big Boss.

Continue reading below ↓

Noong nakaraang linggo, pumirma si Blue ng exclusive contract sa Regal Entertainment Inc. na isa mga itinuturing niyang isa sa mga pinakamahalagang highlight ng kanyang promising showbiz career.

blue cailles contract signing

Blue Cailles with Regal Entertainment Inc.'s Roselle Monteverde

“Sobrang grateful akong maging Regal baby na pangarap ko lang dati. Excited ako sa mga plano para sa akin kaya pagbubutihin ko para maabot ko ang rurok ng tagumpay na kasama sila.

Continue reading below ↓

“Gusto kong pasalamatan si God at ang mga tao na nag-guide sa akin, ang Virtual Playground at ang mga manager ko na sina Sir Charlie Dy at Dondon Monteverde.

“Thankful ako kay Ma’am Roselle Monteverde na nagbigay ng opportunity sa newcomer na katulad ko na dadalhin ko habang buhay.

“Nagpapasalamat din ako sa pamilya na naririyan palagi para sumuporta, palakasin ang kalooban ko at hindi ako sumuko para maabot ko ang pangarap na pinakaasam-asam ko,” mensahe ng pasasalamat ni Blue matapos pumirma ng kontrata sa kanyang bagong home studio.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Newcomer Blue Cailles gets to meet Dingdong Dantes in Family Feud. Blue's mom is an avid fan of the Kapuso actor-host and even gave Blue a nickname after Dingdong's character in T.G.I.S.
PHOTO/S: @bluecailles on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results