Bea Alonzo, aminadong natakot nang tumuntong siya sa edad na 30

by Jojo Gabinete
Mar 25, 2022
bea alonzo
Bea Alonzo now that she's in her 30s: “Now, I think I am more comfortable with my own skin. I can talk about my weaknesses. I can talk about my vulnerabilities na hindi ko napag-uusapan when I was in my 20s na mas siguro, marami kang reservations or insecurities when you’re in your 20s."
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Ang pagsisimula ng trabaho niya para sa Start-Up bukas, March 26, 2022, ang isa sa mga ibinalita ni Bea Alonzo sa contract signing niya bilang ambassador ng Reiko Fitox & Beautederm Slimaxine sa isang hotel sa Quezon City ngayong Biyernes ng hapon, March 25.

Ang Start-Up ang Philippine adaptation ng GMA 7 sa sikat na South Korean television series na pagbibidahan nina Bea at Alden Richards.

Read: CONFIRMED: Bea Alonzo, Alden Richards to headline GMA-7's Start-Up adaptation

Isang hotel sa Malate, Manila ang venue ng script reading ng cast ng Start-Up at mangyayari ito bukas ng hapon.

Ang nalalapit na pag-uumpisa ng taping ng Start-Up ang dahilan kaya hindi pa makapagplano si Bea ng mga gagawin niya sa Holy Week.

Samantala, bakas naman sa mukha ni Bea ang kaligayahan sa contract signing nila ni Beautederm CEO Rhea Tan dahil ito ang kauna-unahang face-to-face press conference na dinaluhan niya mula nang magkaroon ng coronavirus pandemic noong 2020.

Continue reading below ↓

bea alonzo, rhea tan

COVID EXPERIENCE

Ibinahagi ni Bea sa ginanap na media launch ng digestion enhancer at wonder pill na kanyang iniendorso ang kanyang mga pandemic experience.

Lahad ng Kapuso actress, “I had COVID-19, January. I think marami ang nakaka-relate dito na nagkaroon ng Omicron.

“All throughout the pandemic, before January 2022, hindi naman ako nagkaroon ng COVID.

Continue reading below ↓

"And I was one of the lucky ones na talagang kahit nakakalabas dahil sa trabaho, nung time na yun nag-a-outreach programs kami, hindi ako tinamaan ng COVID.

"Matatawa ka nga kasi nung January, kung kailan ako hindi lumalabas, nanggaling ako sa farm namin [Zambales], dun pa ako nagkaroon ng COVID. I dunno how, I was very careful but I still got it.

“After I got it, sinasabi nila, mild ang Omicron. Pero sa experience ko, parang hindi naman. Lahat ng symptoms, nakuha ko, like difficulty sa breathing, masakit ang katawan and all of that, although natapos siya mga four or five days lang.

“But then, I realized, even more na kailangan talaga na alagaan yung health. Kailangan yung immune system, laging binu-boost.

"Kailangan kumain nang tama. Mag-exercise nang tama at matulog nang tama."

ON REACHING THE AGE OF 30

Ipinagtapat ng 34-year-old actress ang takot na naramdaman bago sumapit ang kanyang 30th birthday noong October 17, 2017 dahil sa pag-aalalang baka malimitahan na ang mga proyektong gagawin niya pero nagkamali siya ng akala.

Continue reading below ↓

“To tell you, honestly, when I was turning 30, I was so scared to turn thirty.

"Kasi iniisip ko sa business na ito, kapag thirty ka na, parang konti na lang ang magagawa mo.

“And siguro, society taught us na kapag 30s ka na, ang babae dapat nag-aasawa na. Nagse-settle down na.

"E, at that time, I was at the point of my life na ibang-iba pa ang buhay ko noon. Ibang-iba pa yung circumstances and I wasn’t there yet.

“Parang iniisip ko, 'Anong gagawin ko, thirties na ako?' Tapos na rin ako sa iba kong mga pangarap.

"But then, when I finally turned 30, parang iba pala yung buhay.

“Now, I think I am more comfortable with my own skin. I can talk about my weaknesses. I can talk about my vulnerabilities na hindi ko napag-uusapan when I was in my 20s na mas siguro, marami kang reservations or insecurities when you’re in your 20s.

Continue reading below ↓

“Pero ngayon, in my 30s, parang kaya ko nang sabihin freely what’s in my heart. Mas less filtered ka na and parang mas masaya yung 30’s for me, personal experience ko. Parang mas enjoy ako.”

Postscript: Tagahanga ni Bea si Beautederm CEO Rhea Tan kaya hanggang ngayon, ang tawag niya kay Beay ay "Basha,", ang pangalan ng karakter ng aktres sa 2002 blockbuster movie na One More Chance.

Si Bea ang 76th celebrity endorser ng kompanya ni Rhea na maligayang-maligaya dahil natupad ang kanyang pangarap na makuha ang serbisyo ng aktres na hinahangaan niya.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo now that she's in her 30s: “Now, I think I am more comfortable with my own skin. I can talk about my weaknesses. I can talk about my vulnerabilities na hindi ko napag-uusapan when I was in my 20s na mas siguro, marami kang reservations or insecurities when you’re in your 20s."
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results