Mike Enriquez, balik-24 Oras simula March 28; nagsalita tungkol sa kanyang kidney transplant

by Jojo Gabinete
Mar 25, 2022
mike enriquez
"To improve my quality of life," sagot ni veteran broadcaster Mike Enriquez nang tanungin tungkol sa desisyong sumailalim sa kidney-transplant procedure.
PHOTO/S: GMA Network

Hindi lamang ang hosting job niya sa Imbestigador ang babalikan ng batikan at multi-awarded broadcast journalist na si Mike Enriquez.

Simula Lunes, March 28, 2022, mapapanood na uli siya bilang anchor ng primetime news program ng GMA-7 na 24 Oras, kasama sina Vicky Morales at Mel Tiangco.

Mahigit tatlong buwang hindi napanood at napakinggan si Mike sa kanyang mga programa sa telebisyon at radyo dahil sumailalim siya sa kidney transplant surgery noong December 2021.

Mabilis ang paggaling ni Mike. Makalipas ang tatlong buwan, handa na siyang ipagpatuloy ang mga responsibilidad na pansamantalang iniwan.

Humarap si Mike sa isang online presscon ngayong Biyernes ng hapon, March 25. Dito niya ikinuwento ang mga hirap na pinagdaanan at nalampasan. Si Mike ay diabetic.

"To improve my quality of life," sagot ni Mike nang tanungin tungkol sa desisyon niyang sumailalim sa kidney-transplant procedure.

Tapos na ang mga araw na tatlo-hanggang-apat na beses kada-linggo ng dialysis na tumatagal ng apat na oras.

Continue reading below ↓

Unang ibinalita ng Cabinet Files kagabi, March 24, ang pagbabalik ni Mike sa broadcast industry dahil ngayon ang taping niya para sa Imbestigador, ang kanyang investigative docudrama sa Kapuso Network.

Read: Mike Enriquez, balik-telebisyon matapos sumailalim sa medical procedure

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"To improve my quality of life," sagot ni veteran broadcaster Mike Enriquez nang tanungin tungkol sa desisyong sumailalim sa kidney-transplant procedure.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results