Radha Cuadrado, eliminated na sa Masked Singer Pilipinas

by Jojo Gabinete
Mar 26, 2022
Radha Cuadrado
RnB and soul singer Radha Cuadrado, eliminated sa ikalawang Sabado ng Masked Singer Pilipinas, Season 2. (Screen grab from Masked Singer Pilipinas)

Eliminated ang R&B and soul singer na si Radha Cuadrado sa ikalawang Sabado sa telebisyon ng Season 2 ng Masked Singer Pilipinas dahil siya ang tumanggap ng pinakamababang boto mula sa judge detectives na sina Aga Muhlach, Bayani Agbayani, Cristine Reyes, Matteo Guidicelli at Kim Molina.

“Cara-Bow” ang pangalang ginamit ni Radha na nagsuot din ng carabo mask, at "apo ng isang beteranong artista" at "sampaguita" ang mga clue na ibinigay niya bago siya kumanta.

Radha Cuadrado in disguise as

Continue reading below ↓

Hindi nahulaan ng mga judge detective ang pagkatao ni Radha dahil binago nito ang kanyang boses kaya nakilala lamang siya nang hubarin niya ang suot na maskara.

Si Lolita Rodriguez na dating contract star ng Sampaguita Pictures ang lola na tinutukoy ni Radha na hindi itinangging iniba niya ang kanyang singing voice.

Ang mga masked celebrity singer na may mga pangalan na Sunflower, Jeepie at Pato Tim ang mga nakatunggali ni Radha sa Masked Singer Pilipinas.

Si Matteo ang madalas na tinutukso ng kanyang mga kapwa judge detective dahil bihirang tumatama ang mga hula niya tungkol sa identity ng mga celebrity contestant, pero ngayong Sabado ng gabi, siguradong-sigurado ang asawa ni Sarah Geronimo na si Arthur Nery ang nasa likod ng maskara ni Jeepie.

Pero bago nagsalita si Matteo, biniro muna siya ni Bayani ng “Bati na kayo ni Mommy Divine?” pero ngumiti lamang siya.

Hindi natapos kay Bayani ang pagbibiro tungkol sa biyenan ni Matteo dahil “Magbabati na ba sila ngayong araw na ‘to?”ang pahabol na tanong naman ni Billy Crawford, ang host ng Masked Singer Pilipinas.

Continue reading below ↓

Tanging sina Bayani at Billy ang nakapagbibitaw kay Matteo ng mga salita tungkol sa mother in-law nito sa national television, pero hindi offensive ang kanilang mga biro.

Hindi nakitaan ng pagkapikon si Matteo sa mga personal na biro sa kanya ng mga kasamahan niya sa programa.

Hindi nawawala ang ngiti sa mukha ni Matteo sa kabuuan ng programa nila kaya mahahalatang masaya at kumportableng-kumportable siya sa piling nina Aga, Bayani, Cristine, Kim at Billy.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
RnB and soul singer Radha Cuadrado, eliminated sa ikalawang Sabado ng Masked Singer Pilipinas, Season 2. (Screen grab from Masked Singer Pilipinas)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results