Dating na-link na sina Bela Padilla at Zanjoe Marudo, kumportableng katrabaho ang isa't isa

by Jojo Gabinete
Apr 1, 2022
zanjope marudo bela padilla 366
Bela Padilla on working with Zanjoe Marudo in her directorial debut, 366: "Wala po akong objections. Wala akong violent reactions nung sinabi nila sa akin na si Z ang makakasama ko sa 366 because he is a very good actor."
PHOTO/S: Viva Films

Huling nakatrabaho ni Bela Padilla si Zanjoe Marudo sa Dear Heart, ang drama series na napanood sa ABS-CBN noong 2017.

Ang pagsasama nilang iyon ang dahilan para ma-link sila sa isa’t isa, pero hindi naman ito humantong sa relasyon.

Muling nagkasama ang dalawa sa 366, ang movie directorial debut ni Bela na pinagbibidahan nila nina Zanjoe at JC Santos.

Tiniyak ni Bela na naging komportable siya kay Zanjoe nang magkita sila sa set ng 366.

“The last time I worked with Zanjoe was in 2017. Kung meron man link or anything, it was in 2017.

"So, by the time we shot this film in 2021, I think we both already… I mean, I don’t wanna speak for Zanjoe, but personally, parang I already got past that stage of my life.

“I was completely different person already in 2021 from 2017. So, okay na okay na po ako," pahayag ni Bela sa digital conference ng 366 na naganap ngayong Biyernes ng tanghali, April 1, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Are Zanjoe Marudo and Bela Padilla in a relationship?

Patuloy niya, “Also, at the same time, I made sure, kinakausap ko na si Z bago kami dumating sa set. I reached out and I already texted him, like to check if we’re both okay with these.

“I remember personally sending the script and asking him, 'Meron ka bang ideas for the script? Meron ka bang parang gustong i-suggest o palitan?'

“I wanted this project to be collaborative also, not just for Zanjoe but also for JC. To also make them feel that they can trust me on set ‘coz I don’t want anyone to have any negative emotions pag-apak sa set namin.

“I made sure, on my end, I reached out and I hoped it gave comfort to my actors na, 'You guys are safe on my side.'”

Iginiit ni Bela na hindi siya tumutol nang malaman niyang si Zanjoe ang isa sa kanyang mga makakatrabaho at makakapareha sa 366.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ipinaalaala rin niya ang kanyang madalas sabihin noon na tagahanga siya ni Zanjoe.

Saad ng first-time director, “Wala po akong objections. Wala akong violent reactions nung sinabi nila sa akin na si Z ang makakasama ko sa 366 because he is a very good actor.

“Alam niya po na kahit noong 2017, lagi kong ikinukuwento sa kanya na I was a fan of his work even before I got to work with him, like I watched a lot of his movies and I’m a fan.

“So it was not something I had to think about. Kung fan ka ng mga tao na you’re working with, ang suwerte mo naman na nakakasama mo sila araw-araw.

"So, hindi siya naging problema sa akin na makakatrabaho ko si Zanjoe."

Magkakaroon ng world premiere ang 366 sa Vivamax sa April 15.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bela Padilla on working with Zanjoe Marudo in her directorial debut, 366: "Wala po akong objections. Wala akong violent reactions nung sinabi nila sa akin na si Z ang makakasama ko sa 366 because he is a very good actor."
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results