Lyca Gairanod, maagang natanggal sa Masked Singer Pilipinas

by Jojo Gabinete
Apr 2, 2022
lyca gairanod
Si Lyca Gairanod ang na-eliminate sa episode ng Masked Singer Pilipinas Season 2 ngayong Sabado, April 2.
PHOTO/S: Screen grab from TV5

Maagang nagpaalam si Lyca Gairanod sa second season ng Masked Singer Pilipinas ng TV5 dahil siya ang tumanggap ng pinakamababang boto mula sa judge detectives sa episode na napanood ngayong Sabado ng gabi, April 2, 2022.

Sina Aga Muhlach, Cristine Reyes, Bayani Agbayani, Matteo Guidicelli, at Kim Molina ang mga judge detective ng Masked Singer Pilipinas.

Tulad sa unang season at sa nakaraang episodes ng reality singing competition ng TV5 at Viva Television, pinatunayan ni Kim ang husay nito sa panghuhula dahil natukoy niyang si Lyca ang nasa likod ng maskara ni Peacock.

Nahulaan din ni Masked Singer Pilipinas host Billy Crawford ang katauhan ni Peacock dahil matagal silang nagkasama ni Lyca sa unang season ng Your Face Sounds Familiar Kids, ang singing at impersonation program ng ABS-CBN na napanood mula January 2017 hanggang April 2017.

Si Billy ang host at si Lyca ang isa sa mga contestant noon ng Your Face Sounds Familiar Kids.

Continue reading below ↓

“Sobrang challenging po ng mask kasi hindi ko pa siya nata-try tulad ng noong magkasama po tayo sa Your Face. Medyo okay lang siya prosthetics lang talaga, e.

"Ngayon, sobrang mabigat ang mask. Ang bigat-bigat. Mas mabigat pa po sa akin yung mask,” sabi ni Lyca kay Billy matapos hubarin ang kanyang Peacock mask.

Nanghihinayang ang judge detectives ng Masked Singer Pilipinas sa early elimination kay Lyca dahil alam nilang mas marami pang puwedeng ipamalas na talento sa pagkanta ang 17-year-old singer-actress na natalo lang ng isang puntos.

Ang mga celebrity singer na gumamit ng mga alias na Portobello, Singkwenta, at Crispy Patty ang mga nakatunggali ni Lyca.

Lahat sila ay pawang magagaling kaya nahirapan ang mga judge detective sa pagpili ng contestant na kanilang pauuwiin.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Lyca Gairanod ang na-eliminate sa episode ng Masked Singer Pilipinas Season 2 ngayong Sabado, April 2.
PHOTO/S: Screen grab from TV5
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results