Sid Lucero, nang-shock ng mga katrabaho

by Jojo Gabinete
Apr 9, 2022
cindy miranda sid lucero
Nakuwento ni Cindy Miranda (kaliwa) ang nakaka-shock na ginawa ni Sid Lucero (kanan) sa eksena nila nung ginagawa pa nila noon ang pelikulang Reroute.
PHOTO/S: Vivamax PR material

Ang mga eksena na ginawa nila na hindi malilimutan, kasama ang mga aktor na sina Diego Loyzaga, Sean de Guzman, at Sid Lucero, ang mga anekdota na ibinahagi nina AJ Raval, Angela Morena, at Cindy Miranda, lead stars ng Vivamax original movie na Iskandalo.

Binalikan ni AJ ang panahon na umiyak siya nang umiyak matapos kunan ang love scene nila ni Diego sa Death of a Girlfriend kaya pinakalma siya ng aktor at ng direktor na si Yam Laranas.

“Sa Death of a Girlfriend, after ng love scene namin ni Diego Loyzaga, baby-baby pa kasi ako noon. After ng love scene namin ni Diego, umiyak ako.

“Iyak ako nang iyak 'tapos hinug [hug] ako ni Direk Yam at ni Diego. Kinomfort [comfort] nila ako.

"Siguro hindi pa ako masyadong ready that time. Bini-build up ko pa lang yung sarili ko sa mga ganoong eksena. Pero ngayon, go na ako. Kayang-kaya ko na.”

Continue reading below ↓

Natawa naman si Angela nang ikuwento nito ang pagkagat niya sa labi ni Sean dahil hindi pa rin ito tumitigil sa paghalik sa kanya, kahit sumigaw na ng cut ang Iskandalo director na si Roman Perez, Jr.

“Nag-cut na si Direk and then humahalik pa siya.

“Ang ginawa ko, kinagat ko yung labi niya 'tapos sabi niya [Sean], ’Direk kinagat niya yung labi ko!’

“Sabi ko, 'Direk, nagka-cut na, nagki-kiss pa siya.' Funny lang, siguro hindi niya narinig na cut!” kuwento ni Angela tungkol sa ginawa niya para huminto si Sean sa paghalik sa kanya.

Nakita naman ni Cindy ang professionalism ni Sid Lucero bilang aktor nang kunan ang love scene nila sa loob ng sasakyan para sa Reroute dahil sa hubo’t hubad na daring act ng kanyang kapareha.

“We had this kissing scene sa car kasi mag-asawa kami sa Reroute and then, wala talagang instruction si Direk [Lawrence Fajardo] na maghubad. Nakadamit talaga kami and you know what he did?

Continue reading below ↓

“Kailangan niya [Sid] na lumabas sa car kasi may nagpaputok [ng baril sa eksena]. Lumabas siya ng car na nakahubad.

"Why? Kasi hindi raw niya mahanap yung shorts niya. So wala siyang pakialam.

“Everyone was too shocked! 'Oh, my God, bakit siya nakahubad?'

"Siyempre, yung mga DOP [Director of Photography], siyempre lahat sila lalaki. Bigla silang na-surprise na bumaba siya sa car as in hubad-hubad.

"Tawanan sila nang tawanan. Hindi mo ine-expect na someone will do that. He’s that very professional actor. Wala siyang kiyeme. That’s too funny and that’s actually a happy moment for everyone.

"Hindi siya bastos to us, tuwang-tuwa lang kami. He’s gonna do everything. Ayaw niyang may ma-delay. Ayaw niyang ma-cut yung eksena. Ayaw niya akong pahirapan because we were in that kind of scene.

"So lumabas na lang siya na nakahubad kasi hindi niya mahanap yung shorts niya.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakuwento ni Cindy Miranda (kaliwa) ang nakaka-shock na ginawa ni Sid Lucero (kanan) sa eksena nila nung ginagawa pa nila noon ang pelikulang Reroute.
PHOTO/S: Vivamax PR material
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results