Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, umani ng papuri sa cover nila ng "The Prayer"

by Jojo Gabinete
Apr 14, 2022
Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli, AshMatt
Mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, isang madamdaming cover duet ang ginawa para sa fundraising drive para sa Typhoon Odette victims.
PHOTO/S: Matteo Guidicelli YouTube

Natutuwa ang mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo dahil marami ang pumupuri at gustung-gusto ang cover duet nila ng "The Prayer."

Lalong sumikat ang kanta nang magkaroon ng sariling version ang Canadian singer na si Celine Dion at ang Italian tenor na si Andrea Bocelli.

Ikinuwento ni Matteo sa Cabinet Files, sa pamamagitan ng mensaheng ipinadala niya, na inawit nila ni Sarah ang "The Prayer" para sa "Padayon," ang online charity event ng Caritas Manila at Viva Live Inc. na naganap noong March 25, 2022.

Ang "Padayon (Pag-ibig, Damayan at Pag-ahon) ang fundraising project para sa mga kababayan natin sa Mindanao at Visayas na sinalanta ni Super Typhoon Odette noong December 2021.

Gagamitin ang malilikom na pera mula sa online charity show para sa pagpapaayos at pagpapatayo ng mga simbahan at kapilya na winasak ni Typhoon Odette.

"We sang 'The Prayer' for a charity event to raise funds to support the victims of Typhoon Odette. We are happy that the people appreciate our performance," sabi ni Matteo.

Continue reading below ↓

Mapapanood sa YouTube channel ni Matteo ang video ng pag-awit nila ni Sarah ng "The Prayer" na meron nang 1.5 million views.

Puro positibo ang mga komento lalo na sa ipinamalas na talent sa pagkanta ng 32-year-old actor.

Ginulat ni Matteo ang publiko dahil hindi nila inaasahang maganda ang singing voice ng asawa ni Sarah at effortless ang pagkanta niya sa "The Prayer."

Isang malapit kay Matteo ang nagsabi sa Cabinet Files na paborito at madalas kantahin ng aktor ang "The Prayer" mula noong 12 years old pa lamang siya.

Madali rin para kay Matteo ang umawit sa wikang Italyano dahil Italian ang kanyang ama.

"Yes, fluent in Italian," nakangiting sagot ni Matteo nang itanong namin kung gamay niya ang pagsasalita at pagbigkas sa lengguwahe ng kanyang ama.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, isang madamdaming cover duet ang ginawa para sa fundraising drive para sa Typhoon Odette victims.
PHOTO/S: Matteo Guidicelli YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results