Watch Now

Pinoy scam artist, malikot ang kamay at biktima ng bullying noon

by Jojo Gabinete
Apr 15, 2022
ILLUSTRATION: Ryan Pancha

Natupad na ang pangarap ng isang Pinoy scam artist na makilala at yumaman.

Ngayong Semana Santa, ang pagsisisihan ng Pinoy scam artist ang mga kasalanan noon at humingi ng kapatawaran sa Diyos ang panalangin ng mga tunay na nakakakilala sa kanyang pagkatao.

Magaling sa paggamit ng computer ang Pinoy scam artist at marami na ang mga naging biktima nito noon, pero binura niya ang madilim na nakaraan nang magkaroon ng katuparan ang kanyang mga pangarap.

Isang dating kaklase sa elementary ng scam artist na nakakasalamuha ngayon ng mga sikat na showbiz personality ang nagkuwento sa Cabinet Files tungkol sa kanyang pruweba na talagang may kakayahang manlinlang ng kapwa ang scam artist.

“Matalino yun. Laging nasa star section,” sabi ng aming source.

Naniniwala ang aming source na mas maabilidad ang Pinoy scam artist kesa kay Simon Leviev, ang Tinder Swindler, at kay Anna Delvey ng Inventing Anna.

Idinagdag ng informant ng Cabinet Files na noon pa man, malikot na umano ang kamay ng scam artist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa tuwing may mga pera o mamahaling gamit na nawawala sa kanilang classroom, alam agad ng mga school teacher na siya ang may kagagawan.

May bahid ng kalungkutan ang kabataan ng scam artist dahil biktima ito ng bullying ng kanyang mga kaklase na maaaring isa sa mga dahilan kaya nagsumikap siyang makilala sa mundong ginagalawan niya sa kasalukuyan pero sa maling paraan.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Ryan Pancha
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results