Ngayong Linggo ng hapon, April 17, naglabas ng opisyal na pahayag ang pamilya Ranillo, ang mga naulila ni Gloria Sevilla, ang Queen of Visayan Movies na pumanaw sa edad na 90 noong April 16 sa Oakland, California.
Lahad ng kanilang mensahe:
“It is with deep sadness that we announce the passing of our mom, Gloria Sevilla, the Queen of the Visayan Movies, in Oakland, California at 11 am, April 16, 2022. She died peacefully in her sleep.
“We appreciate all those praying for the repose of her soul. Thank you.”
Lubos na nagdadalamhati ang mga anak ni Gloria dahil sa kanyang pagkamatay. Inconsolable ang kanyang mga anak na pawang mga nasa Amerika at agad na pumunta sa tahanan ng kanilang ina sa Oakland nang malaman nila ang malungkot na balita.
Sina Mat III, Dandin at Suzette ang ilan sa mga anak ni Gloria na sinundan ang yapak nito sa entertainment industry. Apo ni Gloria ang former actress na si Krista Ranillo-Lim, ang maybahay ng businessman at Island Pacific Supermarket CEO na si Nino Lim.
Board member si Gloria ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kaya inaasahang maglalabas din ng opisyal na pahayag ang MTRCB tungkol sa kanyang pagpanaw samantalang hinihintay ang desisyon ng Ranillo family tungkol sa mga detalye sa burol at araw ng libing ng veteran actress na malaki ang kontribusyon sa pelikulang Pilipino.